Arsenal, gustong sumikat ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa

Arsenal
Arsenal

Isa sa bibida “P-Pop Boy Groups On Tour” na gaganapin sa Starmall Edsa-Shaw sa June 11, 5 p.m. ang grupong Arsenal, na hindi lang daw galing sa pag-awit, kundi galing sa sayaw ang ipakikita sa pagsasama-sama ng baguhan at sikat na boy groups sa bansa.

Ang Arsenal ay binubuo nina Heat (leader/ creative director/ founder), Mauro (vocals/ dancer), Pep ( vocals/ dancer), Kent (vocals/ dancer), at Matt (vocals/ dancer). EDM, pop, at R & B raw ang genre ng mga ito.

Malaki raw ang impluwensiya sa Arsenal ng mga grupong Bigbang, Exile Tribe, at N’Sync, at ng mga singer na sina Justin Timberlake, Gary Valenciano, at Michael Jackson. Ambassador din ang grupo ng Francis M Clothing Lines.

Katulad ng mga nabanggit na boy groups at sikat na singer, gusto rin ng Arsenal na sumikat at makilala, ‘di lang sa Pilipinas, kung hindi maging sa ibang bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleArnell Ignacio, sa wakas, nagparamdam na sa nasa ICU pa ring si Richard Pinlac
Next articleFrom singing at King of Facebook Wheel of Fortune, Tyrone Oneza aarte na rin sa pelikula

No posts to display