NAGING successful ang first visual art exhibit ni Ormoc City Mayor Richard Gomez last night (Sunday, Dec. 17) na “Surface” na ginanap sa Pinto Gallery and Museum sa Antipolo na magtatagal for a month.
Dahil una ni Mayor Goma, all out ang suporta ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres. Si Lucy nga raw ang nagbi-video sa kanya kapag nagpe-paint siya na pino-post ni Mayor Goma sa kanyang Instagram account.
Malaki ang impluwensya ng aktor na si Ian Veneracion na present last night sa art event na isa rin visual artist (anak ang aktor ng sikat na artist na si Roy Veneracion) kay Mayor Goma lalo pa’t kauna-unahan niyang exhibit ito.
“Before doing large scale paintings like itong mga murals, padrawing-drawing lang ako then I’ll do some small art pieces,” kuwento niya sa ilang dumalo na almost three years na niya ginagawa ang pagpipinta ng mga murals.
Ayon sa aktor turned public servant ng Lungsod ng Ormoc ay nagsimula ang interest niya sa visual art sa pamamagitan ng kanyang black and white photography in the late 80’s reason kung bakit tumawid din siya as a TV Commercial director nang matuto siya sumipat sa lente.
Sa showbiz, isa marahil si Goma sa mga showbiz personalities natin na ang mga pinapasok na bagong mundo kung hindi man siya ang una ay asahan mo na nagta-top siya sa kanyang ginagawa.
Sa kanyang bagong passion, ginagawa na rin pala na therapy ni Mayor Goma ang pagpipinta sa stressful life niya as punong bayan na kanyang pinaglilingkuran.
“Every morning if I have time, I paint before going to the office,” kuwento niya.
Sa mga gustong makita ang mga obra ng aktor ay magtatagal ang naturang exhibit until January 17.
Sa mga obra ni Mayor Goma, may ilan na bumili noong gabing ‘yun.
Ang pinaka-paborito niyang gawa ay ang parang buhawi nasa background ng aktor na nagbigay alaala sa kanya noong panahon ng bagyong Yolanda na malaki ang pinsalang nagawa sa Tacloban lalo na sa bayan niya na Ormoc.
Reyted K
By RK Villacorta