VIRAL NGAYON sa social media ang larawan ng guwapong Pinoy priest na si Rev. Fr. Ferdinand Santos. Ang pari na kung tawagin ng kanyang mga kaibigan ay Fr. Ferdi ay isang Philosophy & Theology seminary professor. Isa rin siyang licensed fitness instructor.
Pinusuan ng netizens si Fr. Santos dahil sa napakaguwapo itsura nito na artistahin talaga ang dating. Sigurado rin daw na magkakaroon ito ng big future kung papasukin niya ang showbiz.
Samu’t sari naman ang nabasa naming komento ng netizens nang makita ang larawan ng Pinoy priest. Ang ilan, partikular na ang mga kababaihan ay nanghihinayang sa napakapoging lahi ng pari na pupuwedeng bumuo sana ng pamilya kung hindi naging isang alagad ng Diyos.
Anila, “Sayang naman ang lahi ni Father. Sayang. Sana nag-artista na lang siya.”
Ayon naman sa ibang netizens, “he is like a superhero icon” patungkol naman sa taglay nitong kakisigan.
Para naman sa ibang netizens ay hindi nakakapanghinayang na mas pinili ni Fr. Ferdi ang bokasyon ng pagiging isang pari.
“Hindi sayang na mas pinili niya ang magsilbi sa Diyo at paglingkuran ang kanyang kapwa,” anila.
“Saan ba naka-assign si Fr. Ferdi? Magsisimba na talaga ako ngayon araw-araw para mangumpisal sa kannya,” komento naman ng iba.
Samantala, ayon sa Facebook post ni Rev. Fr. Ranhilio Aquino ng San Beda University Graduate School of Law iniwan ng Pinoy priest ang posisyon nito bilang rector ng isang seminaryo sa Amerika para umuwi ng Pilipinas at makapagsilbi sa mahihirap na parishioners.
“Fr. Ferdi Santos gave up the prestigious position of Rector of St. John Vianney Seminary in Florida, U.S.A. that has both philosophy and faculty theologies to return to the Philippines to work in depressed parishes,” wika pa niya.