KINUMPIRMA NG ACTOR na si Jomari Yllana na sa October 1 na nga pupunta sa bansa ang sikat na mang-aawit na si John Mayer, na ipo-produce ng Fearless Productions nila ng magkapatid na Ronald at Ryan Singson.
Sa Mayo sana sasalang sa kanyang concert dito si John, pero ipinaabot ng manager nito na due to health reasons, kinakailangan nitong ipagpaliban muna ang pagpunta niya sa ‘Pinas.
Pero sabi naman ni Jomari, between now and October eh, may inihahanda na silang isa pang show ng kanilang Fearless Productions para na rin sa kasiyahan ng mga nagiging suki na nila sa live entertainment.
Abala lang ngayon si Jomari sa pagtulong sa kanyang mga kapatid na sina Anjo at Ryan na sumabak na rin sa larangan ng pulitika.
Pero ang talagang kinatutuwaan ni Jomari, nang minsan daw nitong isama sa isang sortie ng kanyang mga kapatid ang anak na si Andrei. Aba! Astang pulitiko na ang nine-year old na supling nila ni Aiko Melendez.
Marunong na raw itong magsalita at kumumbinse sa crowd sa kanyang mga sinasabi. Aminado si Jom na malamang na naeengganyo na ito sa political fever na iniikutan ng bagets sa mga araw na ito.
Mukhang si Jom lang ‘ata ang walang hilig sa pulitika.
Pero sabi naman ni Jom, kung mas pinili niya noon ang magpatuloy na lang ng pagtatapos ng kanyang pag-aaral, malamang na isa siyang MVP ngayon sa basketball na siya niyang kinahiligan that time. Pero nang sumapit na raw siya sa edad na trenta, du’n niya lang na-realize na kung meron siyang kursong gugustuhing kunin eh, may kinalaman ito sa Pre-Law.
Ang daming anekdota ni Jom sa pagsama-sama niya sa kampanya ng mga kapatid. Comedy actually. Kasi, meron daw isang tumatakbo sa kanilang lugar na ang ginagawa kapag may mga humihingi ng sponsorship sa kanya sa pa-liga, halimbawa eh, isang bilao ng puto ang ibinibigay nito sa nanghihingi. Minsan naman daw, may lumapit na may problema sa kanyang puso. Ang ibinigay daw ng nasabing pulitiko eh, paracetamol (‘yung ini-endorso ni John Lloyd Cruz). Ang the height – imagine – nagpapa-raffle ito ng mga kabaong sa kanyang constituents. At may payo pa, ha? Kung paano pagkakasyahin sa bahay ng mananalo ang kabaong na itatabi niya muna roon at saka gagamitin kung kinakailangan na.
Hanep! May sumasali naman kaya sa pa-raffle niyang ito?
BLIND ITEM. AKO RAW ANG na-bother sa isang tsikang ipinarating sa amin sa Facebook ng isang kakilala. May kapitbahay raw kasi itong alam niyang asawa ng isang artista. Pero sa neighborhood nila sa isang lugar na malapit sa siyudad na sinalanta noon ni Ondoy, walong taon na palang diumano’y may kept woman ang lalaking isang successful na businessman naman. At ganoon na rin daw katagal na nirerentahan nito ang bahay ng kanyang girlet.
Benefit of the doubt, sabi ko du’n sa nagbalita, baka naman alam na ito ng aktres? At dahil nga sa matagal na sila ng kanyang mister, at kasama sila sa mga couples na tinitingala in the business eh, deadma na lang ang aktres kung meron ngang isa pang pamilya ang kanyang esposo.
Actually, kaka-birthday lang daw nu’ng girlet. At hindi makatiis ang kapitbahay na nakakakita sa orange na Honda Civic na pumaparada ru’n sa house ng kung i-describe niya eh, squatteric na girlet.
Noon pa nga raw sana niya ito gustong i-espluk sa nasabing aktres pero hindi naman daw niya alam kung paano. Paano nga raw kung talagang walang kamalay-malay ang aktres sa ginagawa ng kanyang mister. Kumpleto pa ang aming informant at may plate number pa ang nasabing sasakyan. At kilala niya ‘yung mister ng aktres, ha?
MAY KINALAMAN PALA sa real estate o pagba-buy and sell ng mga properties ang pinagkakaabalahan ngayon ng beauty queen na si Miriam Quiambao.
At talagang nagbigay raw siya ng panahon para mapag-aralan ito. Kaya nga sa Sabado eh, ga-graduate na siya. Kaya rin pala, hindi siya makasama sa pag-iikot ng manager niyang si Anabelle Rama at iba pang mga alaga nito sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nakasalo namin sa advanced birthday dinner ni Jun Lalin sa tahanan ng feng shui expert na si Marites Allen si Miriam. At mukhang wala pa raw siyang planong i-focus ang time niya sa pag-ibig.
Mukhang enjoy siya with the roles that are coming her way. Napansin siya sa pagiging isang komedyana, pati na sa pagda-drama. Kaya ngayon, ang pagiging kontrabida naman ang kina-career niya!
The Pillar
by Pilar Mateo