NAIRITA ANG abogado ni Derek Ramsay na si Atty. Joji Alonso nu’ng huling hearing nila sa Makati Prosecutor’s Office nu’ng kamakalawa ng hapon dahil nag-withdraw lang pala itong Mary Christine Jolly ng complaint na isinampa niya laban kay Derek.
Ang sabi ba naman, mukhang hindi raw patas ang kalalabasan ng desisyon ng piskalya, kaya mag-withdraw na lang daw sila at isasampa raw nila ito sa Department of Justice.
Parang nakakahiya naman yata ‘yun sa prosecution ng Makati na parang pinagduduhan nila.
Kaya nairita raw si Atty. Joji, dahil ang tagal nga naman nilang dininig ‘yan tapos iwi-withdraw lang pala.
Kaya in-oppose daw ‘yun ni Atty. Joji dahil hindi naman daw tamang basta na lang siya mag-withdraw dahil nakikita niyang matatalo siya.
Sabi nga ni Atty. Joji, “Ano ‘yun naghahanap sila ng kung saan nila nakikita na maaaring manalo sila?
“Sinasayang lang nila oras nating lahat! Para lang tayo pinaglalaruan, ‘di ba?”
Hindi na nagkomento si Derek tungkol dito. Ang sabi lang ni Atty. Joji, magsasampa sila ng panibagong kaso laban kay Mary Christine, at malamang pati ang abogado nito.
Heto na lang pala ang ilang bahagi ng statement ni Atty. Joji kaugnay du’n sa nangyari sa huling hearing nila nu’ng nakaraang Lunes ng hapon.
“This is literally shopping for a forum which will favor her baseless demands.
“Unfortunately, she will not find one because Derek’s documentary evidence as well as testimonies of his witnesses, prove that the charges against him are all trumped up.”
Dagdag pang pahayag ni Atty. Joji, “Complainant’s allegations questioning the credibility of the Makati City Prosecutor’s Office is an insult to the institution. Complainant will NOT win because her case has NO merit. But she does not want to lose because it will obliterate any bargaining leverage to get 45M from Derek. So, Complainant will not stop unless she gets a settlement but Derek will not budge as he refuses to be a victim of extortion.”
‘Yun na! Abangan n’yo na lang sa Sabado sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong ‘yan.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis