Asawang Nagkaanak sa Ibang Babae, Gustong Kasuhan

Dear Atty. Acosta,

ANO PO ba ang p’wede kong ikaso sa asawa ko na nagkaanak sa ibang lalaki sa Japan? Kasal po kami.

Russel

 

Dear Russel,

ANG PAKIKIPAGRELAS-YON at pakikipagtalik ng iyong asawa sa ibang lalaki na nagbunga ng isang anak, sa kabila ng kanyang pagiging kasal sa iyo, ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Ito ay isang krimen sang-ayon sa Revised Penal Code at ang krimeng ito ay kilala bilang “Adultery” na may kaparusahang pagkakulong (Article 333, Revised Penal Code of the Philippines).

Subalit kung ito ay nangyari sa ibang bansa, tulad ng Japan, hindi mo siya masasampahan ng kaso rito sa Pilipinas. Ito ay sapagkat ta-nging ang mga krimen na nangyari o naganap dito sa ating bansa lamang ang maaaring dinggin at litisin upang maparusahan ang may sala. Ang batas natin patungkol sa mga krimen at pagpaparusa sa mga nagkasala o lumabag dito ay umiiral lamang sa loob ng teritoryo ng ating bansa. Kung sakali man, maaari mo siyang masampahan ng kaso sa Japan, kung saan nangyari ang krimen at kung ito ay pinaparusahan sa nasabing bansa.

Sa kabilang banda, ayon sa iyong liham, nagbunga ang ginawang pagtataksil ng iyong asawa. Maipapayo namin sa iyo na sa lalong madaling panahon ito ay iyong itatwa bilang inyong lehitimong anak. Ito ay sapagkat, ipinapalagay ng batas o presumption na ang naturang bata ay lehitimong anak ninyong mag-asawa, kahit pa siya ay anak ng iyong asawa sa ibang lalaki. Ang pagtatatwa sa bata bilang inyong lehitimong anak ay maaari mong gawin sa loob ng isang (1) taon mula nang iyong madiskubre o malaman na ito ay ipanganak o ipatalaga ang kanyang kapa-nganakan sa opisina ng Civil Registrar, alin man ang mas maaga, kung ikaw ay nakatira sa lugar kung saan ipinanganak ang bata o inirehistro. Dalawang (2) taon naman kung ikaw ay nakatira sa ibang lugar at tatlong (3) taon kung ikaw naman ay nakatira sa ibang bansa. Subalit kung itinago sa iyong kaalaman ang pagsilang ng bata, ang panahong nabanggit ay magsisimula lamang sa sanda-ling ang kapanganakan o ang pagpaparehistro nito ay iyong nadiskubre (Art 170 Family Code of the Philippines).

Nawa ay naliwanagan ka sa opinyon na-ming ito.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articleHarbor Lights
Next articleMakabuluhang Batas

No posts to display