Asec ng Caloocan At Umepal si Gov. Degamo

HINDI PA ipinagbabawal sa mga pulitiko ang umepal, ‘yan ay dahil hindi pa naman aprubado o ganap na naging batas ang “Anti-Epal Bill” na inihain ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Ang “anti-epal”, parekoy, na nais isabatas ni Sen. Santiago ay ang pagbibigay kaparusahan sa mga pulitikong gago. Na sa halip unahin ang pagbibigay-serbisyo sa kanyang nasasakupan, mas prayoridad pa ng mga animal na ito ang pagpapa-PAPEL upang ipangalandakan kunwari sa taumbayan na sila ay matulungin!

Para sa mga nagtatanong ng eksaktong depinisyon ng “epal”, ang perpektong kahalintulad nito ay ang ginawa ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Na noong ipamigay nito ang relief goods para sa mga biktima ay kapansin-pansin ang nakaimprentang GOV. ROEL DEGAMO sa bawat plastic na kinalalagyan ng goods!

Matatandaan na marami ang namatay, nawala at napinsala dahil sa naganap na malakas na lindol sa nasabing lugar noong Pebrero 6.

Op kors, sa mga ganitong pagkaka-taon, dapat ipinakikita ng mga opisyal ng pamahalaan ang malasakit at tunay na serbisyo sa mga biktima.

Pero sa halip na mag-focus si Gov. Degamo sa pamimigay ng goods ay inuna pa nito ang pagpapalaganap sa kanyang pangalan.

Alam naman nating lahat na sa susunod na taon ay election na. Kaya maliwanag na ang pag-eepal ni Gob ay isang kampanya!

Tangna naman, Gov. Degamo, baka nakalimutan mong hinayupak ka na hindi mo sariling pera ang ipinambili ng relief goods na ‘yan! Ang perang ginastos d’yan ay mula sa calamity fund ng lalawigan!

Na kung mamalasin ay posibleng may porsiyento pang natanggap sina Degamo mula sa suppliers ng nasabing relief goods.

Ibig sabihin, pera ng bayan na ipinamili ng relief goods para sa taumbayan, pero hinaluan ni Gob ng ka-epalan!!!

B’wakang ina Gov. Degamo, walang bibili d’yan sa pakulo ninyo na kaya lamang inilagay ang pangalang Gov. Roel Degamo sa bawat plastic ay sa dahilang hindi pa alam ng taumbayan ang pangalan ng kanilang gobernador!

Bakit, problema ba ng mga taga-Negros Oriental kung hindi ka nila kilala?

Ibig bang sabihin ay kailangan pang gastusin ng provincial government ang calamity fund nito para makapagpakilala ka?

Kung matino kang lintek ka, dapat bang sa panahong nagluluksa ang taumbayan ay saka mo naman isasabay ang pagpapakilala mo?

Buweno, kung talagang gusto mong magpakilala sa lahat ng mga taga-Negros Oriental upang mas madali ang iyong panalo sa darating na halalan, eh bakit hindi ka gumastos ng sarili mong pera at bago mo ipamigay sa mga biktima ay iukit mo talaga ng napakalaki ang pangalan mula sa lolo mo hanggang sa iyong mga apo?

At sabihin mo na rin doon na…. ANAK AKO NG INA KO!!! P’we!

MARAMI NANG sumbong sa atin mula mismo sa mga empleyado sa city hall ng Caloocan tungkol dito sa PR man ni Mayor Recom Echiverri na si Alvin.

Kasalukuyan umanong nagta-trabaho ang mamang ito bilang Assistant Secretary sa Malakanyang.

Pero sa halip na asikasuhin ang kanyang trabaho ay mas inaatupag nito ang pagmamaniobra sa PR ng mag-amang Recom at RJ Echiverri!

Ang masakit, kumikita na nga siya sa kanyang PR raket, putok rin umano ang balita na kinakaltasan din nito ang budget na inilalaan ni Echiverri ang para sa mga taga-media.

Tsk, tsk, tsk!

May pagka-switik nga ang taong ito kung sakaling totoo ang ipinararatang sa kanya!

Magbago ka na Asec!!! Isang araw tiyak na kakarmahin ka . . . baka mamatay ka pa sa sakit sa puso!!!

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09321688734. 

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleHairdo ni Justice Cuevas
Next articleKarapatan at Obligasyon sa Anak

No posts to display