KUNG MAY apelyidong maikakabit agad sa salitang “singer”, unang papasok agad sa isip ng mga baby boomers at Gen X ay Aunor. Ang legacy ng pamilyang ito sa larangan ng musika comes a long way mula sa riles ng tren kung saan nadiskubre si Nora Aunor hanggang sa TV screen kung saan nakilala si Maribel “Lala” Aunor, na ang anak-anak naming na si Marion ay tinaguriang promising na mang-aawit.
But wait, there’s more, ‘ika nga. Isa pang anak ni Lala ang sumabak sa larangan musika – si Ashley Aunor na ipinakilala bilang Cool Cat Ash. Pop-rock with a touch of comedy ang trip ni Ash.
“My inspiration is retro, and I am challenged sa pagpu-produce ng ganitong klaseng genre,” dagdag ng promising sound engineer din na pamangkin ng Superstar.
Malaking impluwensiya sa kanyang tipo ng musika sina Elle King, Freddie Mercury and Aerosmith at ‘yan ang pagkakaiba niya sa kanyang kapatid na si Marion.
“No comparison. Malaking pagkakaiba ng music preferences namin, although she gives me tips in songwriting,” paliwanag ng nakikilala ring disc jockey. “More of the hugot-type of songs ang linya raw kasi ni Ate.”
Nagkakasundo lang sila kapag nasa recording studio na at gumagawa ng musika. Song writing madalas ang toka kay Marion, samantalang technical production naman ang sa kanya. At dito nagkakaroon ng fusion ang kanilang music.
“We are looking forward na nga sa plan namin to put up our own studio,” paliwanag ng anak ni Lala.
Nagbigay ba ng “mother’s advices” si Lala sa kanya? Ayon sa new-artist-on-the-block, binigyan naman siya ng freedom ng kanyang mom sa style ng pagkanta. “She just tells me one thing always. And that is to work hard and pray hard, as well,” reply ni Cool Cat Ash sa messenger chat namin sa kanya.
Pero isang bagay na seryoso siya ay ang kanyang chosen advocacy against body shaming. Hindi ikinahihiya at tanggap ng anak ni Lala na ito ang pagiging plus-sized woman; so much so na nilikha niya ang awiting “Mataba.”
“Sina Lizzo at Meghan Trainor ang naging role images ko sa paggawa ng kantang ito. I admire their advocacy on body positivity. I hope na marami akong ma-inspire na katulad ko o yung opposite naman ng body frame ko, na maging confident at accepting sa mga sarili nila,” paliwanag ng multi-talented artist.
May naamoy ba kaming upcoming duet kasama ng kanyang mom with a revival ng isa sa mga kantang pinasikat ng kanyang ina? Ayon sa singing businesswoman, na may t-shirt printing on the side rin, wala raw. “Just for fun, I did an electronic remix of ‘Mr. Ewan’ and ‘Ah Ewan.’ That’s it.”
Ang mga nabanggit na mga kanya ay mga awitin ni Lala during her heydays with the Alat na Sikat na tunay naman nakilala at naging best seller sa mga 45 rpm medium (or sa lenguwahe noong panahon na yun ay single or vinyl na plaka).
Kung hindi ang kanyang ina, sino ang dream singing tandem niya? “Sampaguita. The legendary Sampaguita…yeah,” say ni Cool Cat Ash.
Check out Ashley Aunor aka Cool Cat Cash music video Mataba on Youtube and soon on Spotify and other music sources very soon.
Reyted K
By RK Villacorta