WHOAH! PINANOOD ko ang opening event ng Cinemalaya. Naks! Disgrasya ‘yung ibang interview ko ay hindi pala nai-record ng kasama ko. ‘Eto pa kamo, nanghiram lang ako ng cellphone para maka-record, dahil ipinaaayos ko pa ang recorder. Naku! Napansin ko naman na habang nag-iinterbyu at hawak ko ang cellphone ay hindi naman pala nai-on ang recorder at napansin ko kalaunanan ang leather case nito na kulay rosas pa. Tiyak napansin ‘yun ng mga kausap ko. Baka sinabi pang, ‘Hay naku! Si Maestro, bumigay na ‘ata!” Hehehe.
Grabe, may natandaan kaya ako sa mga pinagsasabi ko or mga tanong ko? Anak ng pating sa malalim na dagat! Oo, shushunga-shunga kasi ang bago kong kasamang assistant. Dalawa na kami, hahaha! Mabuti naman at may nai-record naman sa video habang kinukunan ‘yung kausap ko.
Isang music director ang ating nakapanayam na agad naman tayong pinaunlakan. Ito ang kilalang si Louie Lagdameo Ignacio. Nagtapos siya ng AB Mass Communication sa Centro Escolar University. Siya ang direktor ng pinakabagong dance show ni Marian Rivera na “MARIAN” at dating director ng Party Pilipinas at SOP na parehas na Sunday musical variety show ng GMA Network.
Ito ang pahayag ng director sa kanyang obra maestrang Asintado para sa Cinemalaya.
“Ah, itong istorya na ito eh, parang dine-dedicate nila ‘yung araw na ‘yon kay St. John The Baptist. So, parang me ritwal silang ginagawa para alay nila kay St. John The Baptist.”
Eh, bakit ang naging title ay Asintado? “Ah may special talent dito ‘yung bata. Isa siyang autistic na bata pero magaling siyang umasinta. Pero ‘yung pag-aasinta n’ya me touch sa dulo ng kuwento. Iyon ang aabangan natin sa movie.”
Sino ang mga bida nyo rito? “Si Aiko Melendez, si Jake Vargas, Miggs Cuaderno, Gabby Eigennman.”
Ah, ito Direk, out of the topic, kumusta ang pagiging director mo? “Ah, masaya.”
Libre ba o libreng-libre? “Ah oo, kasi meron ako sa TV. Meron akong Marian. Iba-iba ‘yung trabaho ko parang hindi nagkakapare-pareho ang mga ginagawa ko at saka hindi nakakasawa.”
Kasi naman, ‘yung trabaho natin bilang artist ay malaya tayo, parang sarili mo at ikaw na ‘yon. Sarili mong creation ito at papalakpakan ka. Hindi dahil sa natutuwa ka kundi nakagawa ka ng isang obra at masaya ka rito. “Tama ‘yan. Ganu’n ang mga artist.”
Eh, kumusta ang family life? “Masaya… mas lalong masaya. Kasi in tact kaming family, eh. Siyam kami eh, pangalawa ako. So, akong nag-aalaga sa nanay ko. Close kami ng family ko.”
Wow, galing ah! Tinanong ko sino ang producer nito. “Si Joey Abacan ang Executive Producer nito (Asintado).”
Bilang director, ano ang mga nae-encounter mong mga problema? “Well, ang number one problema sa pelikula na tulad ng ganito eh, pera. Kasi maliit lang ang budget ng indie. Walang nag-i-invest na producer. Kaya nakakatuwa na naka-create ako ng obra mestra out of the given budget by the CCP.”
Ano ba sakali ‘yung out of budget o maliit, ano ang kinalaman bukod sa director ay makaka-rehistro ka pa ng damdamin. Ano ang pagkakaiba sa malaking budget?
“Wala. Well, mas masaya ako kung nakakagawa ako ng magandang project out of maliit na budget. Kasi ibig sabihin, ginagamit ko talaga ‘yung nalalaman. Hindi ako umaasa sa laki ng budget na ito para ma-produce.”
‘Yun ba direk na parang pumunta ka sa isang lugar, tapos kung ano ang nakita mo roon, sasabihin mo p’wede mo itong gamitin? “Oo kasi, mas realidad ang dating, mas maganda.”
Ibig sabihin talaga eh, hindi lang sa budget? “Oo naman,” ani ni Direk Louie.
Kailangan lang talaga eh, artistic ka lang? “Oo, wala nga akong TF (talent fee) dito eh.”
Hahahhahah! Oo, nga ano! “Ah, binigay ko lang lahat ‘yung talent ko…”
Sa artista? “Ah ganun din, maliliit lang.”
Ito ang larawan sa canvas Maestro Orobia. Email: [email protected] CP 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia