MGA KABABAYAN! Do you have balance in your life? Ginagamit ko ang simpleng modelo na ito (see below) para sa isang tingin lang ay matantsa ninyo ang kailangan pang balansehin sa inyong buhay.
Imagine that the five circles below are balloons? Which of the balloons are over-inflated, because there’s too much time and energy going to it or under inflated because there’s not enough time and energy going to it?
Sa limang aspekto ng buhay (pamilya, sosyal, propesyonal, ispiritwal at pansarili), alin ang pinaka-mahirap para sayo ang bigyan ng tamang oras at lakas?
Ang pagkukulang o hindi pagtanggap (acceptance) ay maaring magkaroon ng iba’t ibang ekspresyon o pagpapahayag sa iyong kilos at damdamin tulad ng:
¨ Pagiging iritable at kawalan ng pasensya
HALIMBAWA: Sa pamilya – kapag ipinapaalala sa iyo ng nanay mo na mag-iingat ka kapag umuuwi ng gabi ay bigla ka na lang makakaramdam ng pagka-irita kesa pagkatuwa sa kanyang pag-aalala.
¨ Kawalan ng kompyansa o self-esteem
HALIMBAWA: Sa buhay sosyal – Sa mga pagkakataon na naiimbita ka ng iyong kaibigan na uminom nang kaunti kasama pa ang ibang kaibigan ng iyong kaibigan, hindi mo maiwasang ikumpara ang sarili sa kanila. Dahil dito, nakararamdam ka ng insecurity o kawalan ng kompyansa.
¨ Hindi mapakali
HALIMBAWA: Sa buhay propesyonal – Sa mga pagkakataon na binibigyan ka ng iyong boss ng mga proyekto na kailangan mong suriin at ipresenta sa buong departamento, hindi ka nagiging komportable at nakukulangan ka sa suporta na binibigay niya. Dahil dito, hindi ka makatulog.
Anong aspekto ng buhay mo ngayon pinaka-nahihirapan kang tanggapin? Bakit?
_______________________________________________________________
Ang sagot mo sa tanong sa itaas ang magbibigay sa iyo ng kakayahan na bigyan ng prayoridad ang mga mahahalagang aspekto ng iyong buhay. Maglaan ng maraming oras at enerhiya sa paggawa ng iyong HERO Game Plan sa aspeto ng iyong buhay na nangangailangan ng malalim na pagtanggap.
I-ranggo ang mga aspeto ng iyong buhay mula 1-5, (1 bilang ang aspeto na nangangailangan ng pinaka-maraming oras at enerhiya sa pagtanggap o acceptance, 5 bilang pinakakonti)
Siguraduhin na ang binigyan mo ng ranggo na 1 at 2 ay mabibigyan ng tig-isa o higit pang plano na maaring suriin sa loob ng tatlong linggo. Binibigyan ka nito ng direksyon upang tuparin ang iyong mga layunin para sa iyong sarili at upang makilala ang bayani sa iyong kalooban.
Maaring makatulong sa pagbabalanse ng inyong buhay ay ang palagiang pagtawag sa inyong pamilya. Connect with them without worrying about long distance costs. For only £17 for 30days, enjoy a “local” calling experience which is cheaper than standard IDD call rates to the Philippines. Register on: duouk.globe.com.ph/
Nais naming patuloy kayong tulungan! Anu-ano pa ang mga gusto ninyong matutunan mula sa amin?
I-like si Coach Pia Acevedo sa Facebook at maaari niyo kaming i-message para humingi ng gabay sa pagpapabuti ng buhay.
Si Coach Pia Acevedo ay isang kilalang Performance Management Expert, Life Coach at manunulat ng sikat na librong Born To Be A Hero. Siya rin ay CEO ng The OneCORE- isang organisasyong nakatuon sa pagtulong sa mga tao kung paano gumawa ng mainam na desisyon sa buhay.
Pinoy Ekspert
by Coach Pia