“Whatever God wants,” sagot ng aktres nang usisain kung ang number-one project niya ngayon ay makabuo na ng baby.
Idinagdag pa niyang mas may oras sila ngayon sa isa’t isa ng mister na si dating representative Jules Ledesma.
“Mas may time kami for each other, hindi ko na kailangang makihati,” matipid na sagot pa niya.
Sinabi rin ni Assunta na after ng movie niyang “Higanti” at TV series sa GMA 7, hihinto muna siya sa pag-aartista para magkaroon na ng baby.
“Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. At least, marami naman kasing options. Nang natapos ko ang pelikulang ito at saka iyong soap opera, mag-i-stop muna ako. I wanna have a baby first, hindi muna ako magtatrabaho,” anang aktres.
Wika pa ng 35-year old na aktres, “Hayaan ko na lang iyong doctor ko ang umayos.”
Pero, ano ang payo sa iyo ng doctor? “I think kasi, kailangan ko muna talagang mag-stop mag-work, kailangan ko talagang hindi muna mag-work.
“Actually, dahil hindi nga ako masyadong nagtatrabaho ngayon and my husband is not having politics anymore, so we have a lot of time. Medyo kahit paano, medyo marami nang oras.”
Ito na kaya ang perfect time dahil magpapahinga ka sa showbiz dahil si Congressman Jules ay wala ngayon sa pulitika? “I believe, siguro everything happens at the right time. Sabi nga, God is not one minute early and not one minute late. He is always on time.”
Ang “Higanti” ay tinatampukan ni Assunta, ito ang pagbabalik niya bilang bida sa pelikula. Nagkaroon ito ng trailer launch recently kasama ng pelikulang “Pusit” sa 37th Manila International Bookfair sa SMX Convention Center sa booth ng Goodwill Bookstore. Ang may-ari ng naturang bookstore na si Ms. Tess Cancio ang producer ng dalawang pelikulang nabanggit.
Ang “Higanti” na mula sa Gitana Film Productions ay kuwento ng isang pamilya na ang ama ay isang tiwaling pulitiko na magkakaroon ng problema sa kanyang kerida. Tampok din dito sina Jay Manalo, Meg Imperial, Katrina Halili, DJ Durano, Jon Lucas, Alwyn Uytingco, Kiko Matos, Ruby Ruiz, Lui Manansala, Daniel Pasia, at iba pa, mula sa direksiyon ni Rommel C. Ricafort.
Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio