GINULAT ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang mga moviegoers sa kanyang astig action scenes at sa natural na ipinamalas na ka-astigan sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Ang akala kasi ng mga madlang pipol at dabarkads ay kay Coco Martin lang nakatoka ang aksyon scenes. ‘Yun pala, kaya ni Maine at maging ni Bossing Vic na makipagbarilan sa mga kontrabida.
In fairness, napakaganda ng pelikula. Hindi ito mukhang minadali kung ikukumpara sa MMFF 2017 entry ni Coco Martin na ‘Ang Panday’. Wala rin itong product placements na madalas naman natin makita sa mga pelikula ni Bossing Vic Sotto. This time, talagang tinutukan nila ang istorya, technicals at fight scenes kaya naman bongga ang output.
Maganda ang collaboration nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza. Napaiyak ni Vic ang kanyang mga fans, nakipagsabayan sa pagrarap at pagsasayaw si Coco at talagang pinatunayan ni Maine na siya na siya na siguro ang puwedeng sumunod sa yapak ni Cardo Dalisay kung mabibigyan ng pagkakataon.
Maganda rin ang chemistry nina Coco at Maine kahit pa sabihin pa na sila ay distant relatives.
Hindi rin nagpatalo ang mga kontrabidang sina Ronaldo Valdez, Ryza Cenon at s’yempre, si Arjo Atayde.
Hindi kami magtataka kung next year ay magkaroon ng sequel ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles dahil naging incredible ang kanilang naprodyus na pelikula. Isa pa, dumarami ang positive reviews sa pelikula kaya hindi na rin kami magtataka kung papantay o makakalagpas ito sa pelikula ni Vice, na nakaaaliw din!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club