MABIBILI NA SA mga record stores ang DVD ng pelikulang Astig na naging top-grosser noong nakaraang taon sa Cinemalaya Film Festival. Nanalo ang Astig ng apat na awards gaya ng Best Director (GB Sampedro), Best Supporting Actor (Arnold Reyes), Best Editing (Charliebebs Gohetia) at Best Sound (Ditoy Aguila, Junnel Valencia and Mark Locsin). The movie was written by multi-awarded writer Jerry Gracio.
Ang Astig ang kauna-unahan kong pagsabak sa movie production together with my good friend hotelier Boy So of La Carmela de Boracay.
Sinasalamin ng Astig ang totoong mukha ng kahirapan sa Maynila at ng mga taong patuloy na lumalaban dito. Maaaring kahawig ito ng kuwento ni Aling Selya na magbobote’t dyaryo, ni Mang Pandoy na ang anak ay nagtitinda sa may Recto, ni Antonio na lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran sa buhay, o ni Totoy na breadwinner ng kanyang pamilya.
Astig is an episodic tale of four young men trying to live and survive the sexual squalor, seductive filth and emotional perversity of Manila. Pinagbibidahan ito nina Dennis Trillo, Edgar Allan Guzman, Arnold Reyes at Sid Lucero. Ang Episode 1 ay kuwento ni Ariel (Dennis), isang conman na nagtratrabaho sa isang shop sa C.M. Recto Avenue na nagtitinda ng mga fake diplomas at iba pang dokumento. Na-in love siya sa isang babae pero iniwan niya ito. Ang Episode 2 ay tungkol kay Boy (Edgar Allan) na isang expectant young father na ibinenta ang kanyang katawan para may ipambayad sa hospital bill ng kanyang asawa. Ang Episode 3 ay istorya naman ni Ronald (Arnold), isang Chinese mestizo mula Zamboanga na nagpunta ng Maynila para ibenta ang isang gusaling minana niya sa kanyang ama. After giving in to the seduction of a gay man who bought his property, he reaffirms his sexual identity by hiring a prostitute not knowing that she’d run away with his money. Ang Episode 4 ay tungkol kay Baste (Sid), isang Marine Engineering student at overly protective na kuya na gustong ipaghiganti ang kanyang kapatid na niloko ng boyfriend.
Mahirap pero masaya ang mag-produce ng isang pelikula. Sabi nga, kung walang lungkot ay walang ligaya. Nakakatuwang isipin na sa loob lamang ng isang taon ay patuloy na umaani ng papuri ang pelikula hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa. Astig was shown in international film festivals gaya ng 14th Pusan International Film Festival (Pusan, South Korea); 12th Barcelona Asian Film Festival / Festival de Cine Asiatico de Barcelona (Barcelona, Spain); 10th Asiaticafilmmediale Film Festival (Rome, Italy); Osaka Asian Film Festival (Osaka, Japan); and Black Movie, Geneva Film Festival / Geneve Festival de Films (Geneva, Switzerland). Sa katunayan, Astig received a Special Citation Award when it competed at the New Currents Section of the 14th PIFF.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda