DITO SA AMERIKA, may asosasyon kami ng mga kabarangay ko. Kami ay pawang taga-Bayombong, Nueva Vizcaya. Matagal-tagal na kami rito at meron na rin kaming konting naipon. Iniisip namin kung paano makakatulong hindi lang sa pamilya namin kundi sa ekonomiya ng Pilipinas. May programa po ba ang pamahalaan para rito. —Willie ng Bayombong, Nueva Vizcaya
‘YAN ANG PROBLEMA. Hanggang ngayon, makaraan ang halos 40 taong pagpapadala ng mga OFW sa abroad, wala pa ring komprehensibong programa ang pamahalaan para magamit ang halos $20 bilyong remittances ng mga kababayan natin sa abroad. Kaya ang nangyayari, ang mga malalaking shopping malls at developer ng mga subdivision ang tanging nakikinabang sa mga padalang perang ito. Nauuwi kadalasan sa shopping ang perang naipapadala sa mga pamilya ng mga OFW.
Dapat lang na unahin muna na gugulin ito sa pagkain, edukasyon, upa, damit at iba pang gastusin ng mga pamilya ng OFW. Pero kung may mga savings o naimpok, mahalagang maipuhunan ito sa mga negosyong hindi ikalulugi ng mga OFW. Ang nangyayari, nagkakagayahan lang sa negosyo. Kapag nabalitaan ng isang OFW na okey ang mag-operator ng tricycle, ang remittance ay ibibili ng tricycle kahit ‘di naman maganda ang kita rito.
Halimbawa, d’yan sa Nueva Vizcaya, maaaring ipuhunan ang pera sa mga livelihood o negosyong may kinalaman sa agrikultura. O kaya nama’y sa pag-aalaga ng kambing, baka at iba pa. Ganyan ang ginagawa ng mga taga-Thailand. Ang perang naiipon ng mga migrante nila ay inilalalagay sa agrikultura. At siyempre pa, kailangan ang suporta ng pamahalaan pagdating sa mga kalsada, irigasyon at iba pang infrastructure.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo