Ate Gay, recycled ang karamihan ng ipinakita sa concert


WATCHED ATE Gay’s 1st Major Concert at MOA Arena. In fairness from Regine Velasquez to J Lo comes the 1st Stand Up Comedian to conquer the MOA Arena (say ni Allan K.).

Kung regular kang nakakapanood kay Ate Gay, malamang sa hindi, pareho tayo ng komento. Halos 75% ng kanyang sketches ay recycle from his previous performances sa mga comedy bars.

In short walang bago. Dismayado kami sa inaakala namin na fabulous show niya dahil it’s his first major show in one of the biggest venue in the Philippines (pero mas malaki yata ang Smart Araneta?); ini-expect namin na pinaghandaan at pinag-isipan ang concept ng show.

But in fairness, almost 60% of the venue ay puno.

Ang magada marahil sa show ni Ate Gay, nakita namin kung paano siya nagsumikap from his job as a performer sa Singing Cooks & Waiters to a stand-up comedian sa Music Box hanggang sa mapadpad sa iba’t ibang mga venues like Klownz, Zirkho, Punchline at kung saan-saan pa na dahan-dahan ay natupad din ang kanyang pangarap.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng mga mga intrigahan between Ate Gay and Vice Ganda, personal na tinulungan ni Vice ang promotion ng concert niya Friday morning sa Showtime. Maging si Allan K, Wally Bayola at Jose Manalo; all out din ang plugging sa Eat Bulaga.

Special guest si Nora Aunor(maganda si Guy at nakaayos at oks ang make-up that night) na bumati sa mga nanood na siyang peg ni Ate Gay sa pagsisimula ng kanyang career. Nag-spot numbers ang The Company, Aiza Seguerra, Allan K at ang Aegis.

Hopefully, sa susunod, something new from Ate Gay ang mapapanood namin. From MOA Arena, level-up na Ate Gay at nakamasid ako sa yo.

Sa mga impersonators ni Nora Aunor, si Ate Gay na nga lang yata ang nag-iisa sa liga niya.

Si Teri Aunor, hayun, hide and seek dahil sa mga talbog na tseke (‘di ba Richard Pinlac?) at ang mga tulad nina Lady Guy ay halos nag-retire na at matatanda na.

Para kay Ate Gay, Goodluck!

KALOKA! DAHIL tatakbo sa pagka-senador si Congressman JV Ejercito come May 20123, heto’t nakipagbati na siya sa kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada.

Matagal nang may hidwaan ang mag-half brother sa amang si former President Joseph Estrada. Si JV anak ni Guia Gomez (dating artista raw) while si Jinggoy ay anak naman ni Dr. Loi a siyang legal wife (at pang-rampa) ni Erap.

Pero lahat ng mga anak ni Erap ay legal na nakapangalan sa kanya. Mga hard-core Ejercito (Estrada).

Ang pulitika nga naman, kung dati-rati’y ang mga magkakapatid ay nagsasaksakan ng patalikod, this time, kahit ano, kahit mag-tumbling sa sirko ka ay gagawin sa ngalan ng magandang imahe.

Say ni Cong. JV ‘pag nagkataon na magkaroon siya ng pagkakataon baka sabay sila ng kapatid na si Sen. Jinggoy na mag-author ng isang batas or whatever.

Gandang pakinggan, huh!

BASED SA trailer ng pelikulang One More Try na pinagbibidahan ng two of showbiz hottest stars na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin kasama sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo na MMFF offering ng Star Cinema come December 25, tila mabigat sa dibdib ang tema ng pelikula.

Mukhang seryoso na sa pagkakaintindi namin sa maikling trailer ay kuwento ito tungkol sa isang anak na may sakit na at nanganganib ang buhay na ang ina ay humingi ng tulong sa ama ng bata na may iba nang asawa na ang misis naman nito ay hindi magkaanak.

When we saw the trailer noong pinanood namin ang 24/7 In Love naapektuhan kami lalo pa’t sa Kapaskuhan ito Ipapalabas. Medyo mabigat.

Kung hindi ako nagkakamali, ito ang nagi-isang entry na drama sa taong ito.

Ang pelikula ay sa direksyon ni Ruel Bayani.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleBilly Crawford, type magkaroon ng sitcom
Next articleJodi Sta. Maria, ayaw pa ring patulan si Iwa Moto

No posts to display