BLIND ITEM: May isang young actor, nagkarooon ng out of town show at doon ay nakasama niya ang isa ring young actor.
Normally, ‘pag mga young actors ang bumibiyahe, ang hinahanap nila ay girls from that province na puwede nilang ma-one night stand.
Pero nganga ang mga girls from the province, dahil ‘yun mismong dalawang young actors ay “nagkakaintindihan” na.
Yes, pinasyalan ni Actor A sa kuwarto si Actor M at doon ay alam na. Nag-uumalab na laplapan ang naganap.
“Gumagapang na nga ang kamay ko, eh. Nahawakan ko na ang notes n’ya, tumigas na, ayun, siya namang may kumakatok sa pinto. Istorbo!
“Siyempre, dali-dali na ka-ming nagbihis. Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa amin ‘yung tatay niya, tinatawag na siya at matulog na raw!”
Buwisit na buwisit si Actor M sa tatay ni Actor A, kaya ayun, looking forward si Actor M sa muli nilang pagkikita ni Actor A. Hahaha!
‘Eto na ang limang letra. Bahala na ka-
yong pumili ng kanilang mga initials. Isa sa limang letra ay panggulo lamang. A-J-M-C-G.
HINDI NAMIN p’wedeng sabihing punum-puno o pinuno niya ang MOA Arena last Nov. 30, pero bongga na ang 70% attendance, lalo pa’t wala namang TV show si Ate Gay at kilala lamang ito bilang matagal nang stand-up comedian at gu-magaya sa boses ni Ate Guy Ms. Nora Aunor.
Actually, aliw naman ang concert ni Ate Gay, pero siyempre, sa tulong na rin ng napakaraming guests tulad ng mga kasamahang stand up comedians, The Company, KZ Tandingan, Gab at ‘yung Daddy’s Home na waley na waley ang boses ng mga daddy, anong nangyari?
Si Allan K ay naroon din. Si John Lapus ay guest din (ba’t hindi kaya ipatingin ni Sweet ang boses n’ya, parang lalong gumagaralgal lalo na ‘pag sumisigaw siya, medyo masakit sa tenga. Nilalamon ng boses niya ‘yung husay niya sa pagpapatawa). Si Aiza Seguerra ay umawit din.
Anyway, according to Joed Serrano ng That’s Ntertainment Productions, kumita raw siya sa “Ako Naman” first major solo concert ni Ate Gay.
At alam n’yo ba ang sey pa ni Joed?
“A new star is born, Ate gay. Gagawin na ang THE DOOR n’ya na movie. Suspense comedy horror showing on Valentine’s Day.
“Tapos repeat ng concert n’ya title AKO ULIT ! ATE GAY sa ARANETA NAMAN the ang TARAY REPEAT CONCERT March 30, 2013.
“Tapos kasama siya sa dec. 21 gangnam show with korean pop worldwide superstar na si PSY.”
TV show na lang talaga ang kulang ke Ate Gay.
BIGLA KO tuloy naalala si Ate Gay kapag bumirit at hindi niya kinakayang abutin ang tono, nagdadayalog siya ng, “Itago n’yo ang mga tickets n’yo!” na ‘yung iba, hindi alam kumbakit tawa nang tawa ang ibang nakakaalam ng joke ni Ate Gay.
At sa mga hindi nakakaalam, para na rin hindi na kayo mag-research, si Regine Velasquez kasi sa MOA Arena last concert nito nu’ng hindi na kinakaya ang tono dahil nga kinapitan ito ng virus ay nagdayalog ng,”Itago n’yo po ang inyong mga tickets at ‘yung next concert ko po ay free para sa inyong lahat,” something to that effect.
Naging running joke na ‘yung ganon sa mga comedy bar ‘pag hindi naaabot ang tono ng mga stand up comedians.
Watch uli kami ng concert ni Ate Gay, promise.
Oh My G!
by Ogie Diaz