KAHIT GAANO ka-busy si Vilma Santos bilang Governor ng Batangas City, siya mismo ang nag-adjust sa shooting schedule ni Piolo Pascual para sa indie film na Extra ni Direk Jeffrey Jeturian. Almost everyday kasi ang taping nito sa teleseryeng Apoy Sa Dagat with Angelica Panganiban. Kahit busy si PJ, pangarap din niyang makatrabaho at makaeksena ang Star For All Seasons. Balita nga namin, for the love of Ate Vi (walang TF) kaya pumayag sina Piolo at Marian Rivera mag-cameo role sa pelikulang ito.
Tuwing may shooting, walang inaaksayang oras si Direk Jeffrey, lahat nang eksenang dapat kunan kina Piolo, Marian, Cherie Gil at Ate Vi mabilis nitong nagawa. Minsan na naming nakita kung papaano magtrabaho si Direk sa set ng kanyang pelikula. Sa totoo lang, breaktime lang ang pahinga nito, pagkatapos nitong lumafang, uutusan agad ang assistant director na i-ready na ang susunod na eksena. Bawat take sinisiguro ni Direk Jefrey na perfect ang scene. Well, sa galing umarte nina Piolo, Cherie Gil, Pilar Pilapil at Ate Vi, siguradong to the highest level ang kanilang performance. Ewan lang sa acting ni Marian ?
Tumatak sa isipan namin ang dramatic scene nina Ate Vi at Direk Marlon Bautista na kinunan ng madaling-araw. Dakilang extra ang role ng award-winning-actress kaya’t madalas hindi nito napi-perfect ang bawa’t eksena. Ang eksena, madalas magkamali sa dialogue, mali ang blocking etc,etc. Paulit-ulit na take, hindi pa rin nito ma-get ang instruction ng assistant director. Hanggang maimbudo na si Direk Marlon at sinugod nito si Ate Vi at pinagmumura mula ulo hanggang paa sa harap ng mga artista at extra. Pagkatapos, kinaladkad pa ito paalis sa set.
Nakakakilabot ang eksenang ‘yun nina Gov. Vi at Marlon, “Sorry po, Direk,” ang tanging dialogue na binitiwan ng magaling na actress. More on facial reaction niya ang kinunan ni Direk Jeffrey. Reaction, kung papaano matatanggap ng isang extra ang kahihiyang inabot niya sa isang director sa harap ng madlang pipol. Sa eksenang lang na ‘yun, kakabugin na ni Ate Vi ang magiging katunggali niya for Best Actress sa Cinemalaya Film festival this July.
MAGALING TALAGANG pumili si Mr. Johnny Manahan ng new breed of stars na puwedeng pumasok sa Star Magic Circle 2013. Twelve new faces, son and daughters of showbiz royalties na pawang may karapatan to succeed in the world of show business.
Janella Salvador, 17 yrs old, kilala as Sir Chief’s daughter Nikki, on hit serye Be Careful With My Heart. She’s the daughter of actress-singer Janine Desiderio and singer Juan Miguel Salvador.
Julia Barretto, 15 yrs old, anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Pangarap niyang makagawa ng teleserye at maging recording star.
Alex Diaz, 17 yrs old, Scottish-Filipino a TV commercial model. A dean’s lister at the Enderun Colleges where he is taking up Marketing Management.
Jerome Ponce, 17 yrs old, a PBB teen housemate. He wants to give showbiz a chance and postponed his collegiate studies at the Mapua University. Gusto niyang ma-maintain ang ‘good boy’ image he has on Be Careful With My Heart but says he eventually wants to take on more versatile roles.
Ingrid dela Paz, 18 yrs old. Discovered by Madam Charo Santos herself at the Gawad Eugenio Lopez. She’s now a college student at the Far Eastern University. Her first on screen appearance was in an episode of MMK.
Liza Soberano, 15 yrs old, naging part of hit afternoon serye Kung Ako’y Iiwan Mo as Jake Cuenca’s younger sister at naka-love triangle nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikulang Must Be… Love.
Kit Thompson, 16 yrs old, former housemate in PBB last teen edition. The Fil-New Zealander got his first acting in serye Kahit Puso’y Masugatan ni Direk Wenn Deramas. Kasama rin siya sa movie na Must Be… Love nina Daniel at Kathryn.
Jane Oineza, 16 yrs old, original Goin’ Bulilit kid, she has been working as a child actress since the age of four. Lumabas na rin siya sa ser-yeng Ligaw na Bulaklak, Maria La Del Barrio at MMK as an abused child where she earned her nomination at the prestigious New York Festivals.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield