Ateneo-La Salle game, dinumog sa Araneta!

IBA TALAGA KAPAG La Salle at Ateneo ang naglalaban, la-ging full pack ang Big Dome. Katunayan, ang ginagawa na nga ng UAAP pagkatapos ng 1st game, pinapalabas na ang mga tao. Yes, two games ang laro sa isang araw, pero dalawang tickets ang babayaran ng mga nais makapanood ng nabanggit. Kita ang UAAP. Basta may magagandang game, ganito ang gawa ng event organizer.

Sa game ng Ateneo at La Salle, napansin naming naroon sina Sen. Jinggoy Estrada kasama ang butihing ama na si ex-Pres. Joseph Estrada. ‘Di ba nga Atenista si Erap? Maliban kay Erap, nakita rin naming nagtsi-cheer si Sen. Ri-chard Gordon, ang magkapatid na Rowell at Randy Santiago, ang mga Atenista na sina L. A. Teno-rio, Enrico Villanueva, at Paolo Bugia, then ang La Sallistang si Ren Ren Ritualo. Very exciting ang game, parang ‘di taon-taon naghaharap ang dalawa. Actually kahit nga no bearing game ng Blue Eagles at Green Archers, tinatao pa rin.

Samantala, matindi rin ang dating ni Kiefer Ravena, ang eldest son ni ex-PBA player Bong Ravena na kasalukuyang isa sa staff ng Talk N Text. Grabe, ang ginawa ni Kiefer nu’ng Saturday kontra sa La Salle, sa halftime ay nakagawa siya ng almost 22 points. Animo dambuhalang player itong si Ravena, kung sumalaksak sa goal, kayang kaya niya. Humahawi ang mga nagbabantay sa kanya. Sa ginawa ni Kiefer, parang may nais siyang patunayan na hindi siya puwedeng bangkuin ni Coach Norman Black.

Sa first game kasi ng Ateneo, hindi gaanong pinasok ni Coach Black si Ravena. Nagmistulang parang walang silbi ang mama sa kampo ng Blue Eagles, kaya nu’ng nakaraang Sabado, kumamada si Kiefer, ang lahat ay humanga sa kanyang nilaro. First year college pa lamang si Ravena sa naturang university, nu’ng high school pa lamang siya ay naglalaro sa Junior ng Ateneo. Ilang beses na pinatunayan ni Kiefer ang kanyang kakayahan kung saan tatlong sunod na nasungkit nito ang titulong MVP, at ilang beses na rin niyang nabigyan ng kampeonato ang Junior Blue Eagles. Kaya naman pagsapit ng takdang panahon sa pagtuntong ng college, binantayang mabuti ng Ateneo management lalo ang sports director na si Mr. Ricky Paolo ang bata. Dahil sa daming umaligid sa pamilya nito, na nakuha ang kalibre ng batang Ravena. Isa na rito ang National University na ang nagmamay-ari na ay ang SM ng pamilyang Sy. Si Mr. Hans Sy ang siyang tumatayong team owner ng NU na batid rin ng lahat na sila ang nakabili ng naturang unibersidad.

How true na in-offer-an ng mga Sy si Kiefer Ravena ng isang condo, kotse at bibigyan nga ba ng isang franchise ng Savemore? Sa’n ka pa? Pero iba ang pananaw ng mga magulang ni Kiefer na sina Bong at Mozzy Ravena. Marunong silang tumanaw ng utang na loob, at siyempre malakas pa rin si Mr. Manny V. Pangilinan na isa nga sa staff si Bong sa TNT.

Iba naman ang pangako ni Mr. Pangilinan sa matandang Ravena, magiging head coach ito ng Maynilad, may matibay na trabaho sa Talk N Text. At iba rin nga ‘yung utang na loob. Ito ang dahilan kung bakit si Kiefer Ravena ay nanatili sa Ateneo Blue Eagles. At isa pang napakahalaga ay ang pangalan ng school. Iba siyempre kapag sa ATENEO ka galing.

Ano pa ba ang hihilingin ng mag-asawang Bong at Mozzy Ravena sa basketball career ng panganay na anak? Napakahusay ni Kiefer, sa totoo lang ha? Mas mahusay pa ang batang Ravena kaysa sa kanyang ama nu’ng panahong naglalaro ito sa University of the East. Aminin…!

To Kiefer Ravena, good luck at sana marating mo ang narating ng tatay mo. Makapaglaro ka sa PBA at higitan mo pa ang nagawa niya sa Professional League. At sana huwag lalaki ang ulo mo kahit ngayon pa lamang ay superstar ka nang maituturing.

Note: any comment, e-mail kayo sa [email protected]

 
Malou Aquino
Pinoy Parazzi

Previous articleIwa Moto and Janna Dominguez is hostile with each other because of Mickey Ablan
Next articleHuman Teleprompter!

No posts to display