Kumpirmado ang pagre-resign ng guwapong “Man in the Rain” TV reporter ng ABS-CBN na si Atom Araullo na naging viral sa social media last weekend.
Isa si Atom sa mga “cutie” TV reporter sa news department na lalong napansin ng publiko sa kanyang “Man in the Rain” coverage during the Typhoon Yolanda.
Kinumpirma ng ABS-CBN News and Current Affairs Head na si Ging Reyes sa pamamagitan ng isang official statement na ang resignation ni Atom.
Pahayag ni Reyes, “Atom Araullo had filed his resignation from his reportorial duties but will remain an on camera talent of ABS-CBN News and Current Affairs as an anchor in Umagang Kay Ganda and Red Alert.”
Tuwing umaga, pampa-good vibes na makita natin si Atom sa “UKG” na nagbabasa ng balita at ang kanyang segment with the two bagets na ang cute niyang tingnan on television.
Ipinahayag din ni Atom sa kanyang Facebook account na, “I quietly resigned as a news reporter of ABS-CBN a few weeks ago to explore other areas of media and to grow as a journalist. However, I continue to work with the network and our programs. My political views were not a factor in making this decision.”
Si Atom ay anak ng aktibistang si Dr. Carolina C. Pagaduan-Araullo na chairperson ng makakaliwang grupong Bayan.
Tulad ng kanyang ina na very vocal sa mga isyu ng bayan, malamang sa hindi, doon na rin ang patungo ni Atom, ngayon pa na hindi na maaapektuhan ang kanyang pagiging opinionated as a person at hindi na bilang isang ABS-CBN reporter.
Mabuhay ka, “Man in the Rain”.
Reyted K
By RK VillaCorta