NAKAKALOKA NAMAN kung totoo ang tsismis na si Liz Uy pa ang nanliligaw kay Atom Araullo, ang poging news reporter ng ABS-CBN News and Current Affair.
Sa Twitter namin nalaman na nagpadala pala ng cake si Liz para kay Atom.
“#SCOOP @lizzzuy wooing @atomaraullo by sending cakes in the newsroom. Will our fab stylist win this time after Ely B said NO?! XOXO,” tweet ni dudeinterrupted recently.
Kaya lang, the cake ending up being eaten by the production staff.
“La @lizzzuy should order d lactose-free ones, her cakes end up being eaten by @atomaraullo’s staffs as muy sympatico is lactose intolerant!,” dudeinterrupted shared on the said social networking site.
PINALAMON NG ali-kabok ng Be Careful With My Heart ang bagong-launched na morning soap ng GMA, ang Cielo de Angelina.
We read in a website that GMA’s show topbilled by Jake Vargas and Bea Binene posted a rating of 11.8 na kalahati lang ng rating ng Be Careful With my Heart na 22.9 %.
While buying something, we caught an episode of Cielo de Angelina at talagang ubod ito nang pangit. Walang kalatuy-latoy ang programang ito ng Siyete and we were not surprised na hindi ito nag-rate.
Naloka naman kami sa comments ng mga tao sa isang website tungkol sa rating ng show nina Bea at Jake.
“Kahit wala ang ratings na ito… everyone knows… mapa televiewers, advertisers and manufacturers na mas pinapa-nuod talaga ang mga programa sa dos…. HINDI KAYANG LINLANGIN NG PRAISE AND PRESS RELEASE ANG NAKIKITA NG MGA MATA,” tili ng fan.
“Kaya nga mas maraming commercials sa ABS-CBN 2… dahil ito ang tunay na no.1….. asa pa ang cielo at one true love… sus,” say naman ng isang guy.
“Natatawa ko sa mga officemates ko dito sa ortigas… sinilip daw nila ang coffee prince… na-buisit lang daw sila…. wa torya daw ang mga akting hahahhahah,” say naman ng isa na idinamay pa ang soap nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.
“Asa pa!!! eh maski ang aso ni san roque hahahaha.. wala daw katorya torya,” sabi naman ng isang ayaw sa soap ng Siyete.
MAY BAGONG talent ang Backroom, si Jayke Reyes who launched her self-titled debut album Jayke Reyes with the carrier single Kay Palad Mo (a remake).
Hearing Jayke sing, malaki ang potential niyang magkaroon ng name dahil unang-una unique ang kanyang boses. Secondly, she’s being handled by Boy Abunda’s talent management. And she has strong vocals at kaya niyang bumirit if necessary.
Kabilang sa album ang Perry’s Will, Paano Na Kaya, Sana’y Pakaingatan Mo and We’re All in This Together.
Growing up, Jayke dreamt of going into showbiz. Kahit na sa US lumaki, mas pinili niyang magpunta sa Pilipinas para i-try ang showbiz. Fortunately for her, kakilala niya ang designer na si Arielle Agasang who introduced her to Boy Abunda.
“Kasi sa TFC pinanood ko si Kuya Boy. Tapos ipinakilala kami Tito Arielle. Talagang dream ko na pumunta siya sa debut ko. He did. He saw me sing, he saw me dance,” chika ni Jayke.
Her excitement grew when Boy said he will manager her.
“I want to take you to Backroom.’ ‘Sige po.’” Jayke said.
“Ang sabi ko, I’m still young. I want to try in the Philippines. Sa totoo lang, I’ve never been to the Philippines. ‘Yung mga friends ko sa States they’re no Filipinos. Sabi ko, ‘Dad, I want to have friends na Filipinop, I want to eat Filipino food’. I was very fortunate na very supportive ang parents ko so they move to the Philippines,” kuwento pa ni Jayke.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas