Atta Girl, Sen. Miriam!

NAGHATID NG malaking karangalan sa bansa ang pagkakahirang kay Sen. Miriam Defensor Santiago bilang kasapi ng highly prestigious na International Court of Justice (ICJ) sa The Hague, Netherlands. Siya ang kauna-unahang Asyano na nagkamit ng ganitong karangalan. At dapat lang.

Iba ang kalidad ni Sen. Miriam. Maaaring palaban at malakas ang dating. Maaaring nakakainis at may intellectual arrogance. Subalit sa loob ng kanyang matagal na pagisislbi sa bayan bilang huwes at lawmaker, siya ay naging isang outstanding.

Kamakailan, sumakit ang aking tiyan sa pagtawa. Sa isang Commission on Appointment (CA) hearing, sinabon nang katakut-takot ng senadora si DSWD Sec. Dinky Soliman. Matatalas na salita ang pinakawalan niya. Halatang-halata kasing nagsisinungaling si Soliman sa isyu ng peace bond. ‘Di siya pinalusot dito. At ang matatalas ngunit karapat-dapat na pananalita ni Sen. Miriam ay parang labaha na hiniwa ang pagsisinungaling ni Soliman.

Sa Senado, kaaya-ayang pakinggan si Sen. Miriam sa kanyang privilege speeches at interpellations. Swift witted at very intelligent. At lagi siyang may wallop ng humor na talagang sasakit ang iyong tiyan.

Higit sa lahat, seryoso siyang mambabatas. Laksa-laksang batas ang kanyang naipasa sa kapakanan ng ordinaryong tao at mahihirap.

Maaaring sa Marso 2012 ay magbitiw na si Sen. Miriam para gampanan ang kanyang bagong tungkulin. The country will miss her. Atta girl, Sen. Miriam. Godspeed.

SAMUT-SAMOT

 

KUMUSTA NA kaya si Comedy King Dolphy? Balitang labas-masok sa ospital. Nu’ng mga nakalipas na show niya, pansin namin ang kanyang hapo at hirap na paghinga dulot marahil na kanyang hika. Sa ngayon, siya raw ay nakalabas na sa ospital at nagpapalakas.

NASAAN NA si Ate Guy, Superstar Nora Aunor? Matapos ang media hype sa kanyang pagiging talent ng TV5 at pagkakaroon niya ng teleserye, wala na naman siya sa ere at ‘di na naman siya visible. Balitang si John Rendez na naman ang kanyang manager at nasa background na lang sina Kuya Germs at Suzette Ranillo. Balita ring tutungo siya abroad upang ayusin ang kanyang vocal chord. Nanghihinayang kami sa kanya na may golden voice, isa sa puhunan niya sa pagsikat nu’ng dekada ‘60 at ‘70.

TULUY NA tuloy ang paglipat ni Megastar Sharon Cuneta sa TV5. Balitang P1-B ang five-year exclusive contract. Ganyan pala kalakas pa ang hatak ni Sharon. Pero may ibang nagtatanong kung karapat-dapat pa siya sa ganitong laki ng kontrata. Masulit kaya ito ng TV5? Nagtatanong lang.

LUBOS KAMING nalulungkot sa sinapit ni Louie Jimenez, dating PR VP ng Unilab. Balitang pitong taon na siyang nasa banig ng malubhang karamdaman. Biktima ng Parkinson’s disease. Kamakailan lang ay kinabitan siya ng tubo direkta sa tiyan para makakain.

Mahigit na dalawang dekadang kasama namin si Louie sa Unilab. Mabait na boss at kaibigan. Relihiyoso at matulungin. Nag-migrate siya sa US sampung taon na ang nakakaraan. Du’n siya tinamaan ng sakit. Hanggang umuwi siya para rito magpagaling.

Marami kaming alaalang pinagsamahan. Nakalulungkot subalit ganyan talaga ang agos ng buhay. ‘[Di natin alam ang hinaharap. Iba’t ibang uri ng pagsubok. Kung kailan matatapos, ‘di natin alam. Dapat laging handa.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleMahalin din ang anak nila ni Jennylyn Mercado Patrick Garcia, nakikiusap kay Luis Manzano
Next articleMatindi ang pinagdadaanan at kailangan ng kausap Tyron Perez, ‘di nabigyan ng oras ng mga kaibigan

No posts to display