MUKHANG MALABO pang magkaayos sa ngayon ang kampo ni Bea Binene at kampo ni Atty. Ferdinand Topacio dahil na rin sa naging pahayag ni Atty. Topacio na nakatakda na niyang sampahan ng P10 million damage para sa kasong Libelo ang mag-inang Bea at Carina Binene nang makausap namin ito sa Merks Bar sa Pasay Road kamakailan.
Ayon nga kay Atty. Topacio, “Wala na rin naman pala silang balak mag-public apology, eh ‘di itutuloy ko na ang demanda ko sa kanila.‘Yun lang naman ang hiling ko sa kanila para matapos na ang isyung ito at ‘di na humantong pa sa korte. Pero kung ‘yun ang gusto nila, wala na akong magagawa kung hindi ituloy ito.
“Pangalan ko na ang nakataya rito, kaya naman magkita-kita na lang kami sa korte, para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling.”
Dagdag pa ni Atty. Topacio, “Sasagutin ko lang naman nang detalyado kung ano ‘yung ibinibintang nila sa akin at ipapakita ko ‘yung mga dokumentong hawak ko na magpapatunay na totoo ‘yung sinasabi ko.”
Sa mga nangyayari, pihadong magtatagal pa ang isyung kinasasangkutan ni Atty. Topacio at ng pamilya ni Bea lalo na’t sa korte na ang destinasyon ng kani-kanilang kampo. ‘Yun na!
HINDI PA man lubusang natatapos ang Artista Academy ay umaarangkada na kaagad ang career ng isa sa natanggal sa AA na si Marvelous Alejo na may indie film na ipalalabas, ang Mangkukulob ni Direk Ron Sapinoso at nakatakdang mapanood sa Oct. 20 sa Robinsons Galleria Indie Theater.
Ayaw sabihin ni Marvelous kung ano ang kanyang role sa nasabing indie film, basta nagbigay ito ng clue na isa raw itong horror film. Mas maganda raw kasing ang mga makakanood nito ang siyang makakaalam kung ano ang role niya rito.
At sa pagkakaroon nito ng indie film, mukhang naunahan pa nito na magkaroon ng proyekto ang ibang kasamahan sa Artista Academy ma-ging ang mga magiging winners nito.
Bukod pa sa nasabing proyekto, balita ring magkakaroon na rin ito ng sarili niyang album this year na nakatakdang ilabas sa December, kung saan nasa proseso na sila ng pagpili ng mga awiting isasama rito.
Kuwento pa ni Marvelous na pumirma na rin siya ng 5-year contract sa TV5, kung saan after daw ng AA ay may shows na nakahanda sa kani-lang lahat na kasama sa Top 14 ng pinakamalaki at pinakamagagandang batch ng artist search sa bansa.
MAGKAKAROON ng mall show sa Jackman Plaza sa Muñoz, Q.C. nga-yong araw Oct. 12, Friday 4pm ang isa sa hottest boy band sa bansa at isa sa tinaguriang Trending Sensation, ang UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee, Armond, Raymond, Rhem, Ron, Mark at Miggy na nakatakda ring tumanggap ng kanilang ika-apat na award sa Global Excellence Award sa Oct. 21 sa AFP Theater sa Q.C. bilang Outstanding Boyband for 2012.
Makakasama ng UPGRADE sa mall tour ang award-winning rapper na si DJ Joph na magpo-promote ng kanyang self-titled album kasama ang kanyang 2 sister na sina Deb at Vrinnel at isa rin sa nakatakdang tumanggap ng award bilang Outstanding Young Rap Artist of the Year.
Ka-join din ang West Coast Canada representative for 2012 Mutya ng Pilipinas at isa ring theater actress/singer na si Gina Damaso na isa ring awardee sa 2012 Global Excellence Award bilang Most Promising Fil/Canadian Singer for 2012.
BLIND ITEM: Sino naman itong isa pang singer/actress na kamuntik-muntikan na talagang isumpa at burahin sa mapa ng showbiz ng isang beterano at nirerespetong host/actor, dahil sa balak nitong ‘di pagdalo sa isang award-giving body kung saan isa si singer/actress sa bibigyang parangal ni host/comedian.
Papa’no ba naman, on the spot daw nang sabihin ng ina ni singer/actress na hindi na sila makakadalo, at nang tawagan ulit ito ay hindi na makontak pa. Nagdrama pa raw ang kampo ni singer/actress na wala siyang alam about sa nasabing para-ngal na ibibigay sa kanila. Pero ayon sa host/comedian, 2 weeks na raw na nilang sinabihan si young singer/actress at ina nito about the award.
At 2 days bago ang event ay mu-ling ipinaalala ni host/comedian kay singer/actress ang tungkol sa nasabing award na tinanguan pa nito. Kung hindi pa nga raw nalaman ng kampo ni singer/actress na galit na galit na si host/comedian
sa kanya, baka raw tuluyan na itong hindi pumunta sa awards night para tanggapin ang award na ibinigay sa kanya ni host/comedian.
John’s Point
by John Fontanilla