LAWYER CUM producer Joji Alonso strikes again. Pagkatapos niyang mag-power trip sa presscon for the regular run of the Cinemalaya 2013 entry na Ekstra na nagpatanggal siya ng mga showbiz columnist sa listahan ng media invitees kahit na na-send out na ang mga imbitasyon via SMS dahil sa personal na disgusto, meron na naman siyang pagmamalditang ginagawa na tignan natin kung magtatagumpay siya.
In hindsight, kinarma tuloy ang Ekstra sa theatrical run nito dahil isa itong malaking flop na hindi kailanman sinulat ng mga kaalyadong showbiz press ni Alonso. It’s hard to face the truth, you know. Cannes-rejected na, box-office flop pa. A double whammy!
I have it from a very reliable source na diumano ay nakikialam itong si Joji Alonso sa casting ng kanyang Cinemalaya 2014 shortlisted entry na biopic ng nasirang filmmaker at National Artist na si Ishmael Bernal. To be directed by Chris Martinez, a self-confessed Bernal fan from a script ng premyadong si Ricky Lee, ipinipilit diumano ni Joji na ang gumanap sa pivotal role ni Bernal mismo ay si dyandyararan…. walang iba kundi ang kanyang anak na aspiring actor na si Nico Manalo na certified unknown or in showbiz parlance, isang Da Who.
Nang may magpahayag ng concern na hindi bagay si Nico sa papel ng namayapang genius, ang mataray na pahayag reportedly ni Joji ay: “I’m the producer. Kung kaya nila, eh, ‘di why don’t they produce their own movies starring their own children?”
Ang punto lang naman ng mga tumututol, Joji Alonso, sa iyong ambisyon para sa iyong anak ay ang nagdudumilat na katotohanang having Nico portray the larger-than-life, feisty, utterly-colorful Bernal will be a perfect case of miscasting. Unang-una, moreno ang anak mo, while Bernal is a Chinese mestizo. If one is to play for truth, doon pa lang ay bagsak na sa qualifications ang anak ng naturang legal eagle. Pangalawa, and more importantly, it will take a special kind of actor to bring the volcanic-tempered yet supremely-talented Bernal to life na definitely ay hindi kakayanin ni Nico kahit pa ma-resurrect ang totoong Ishmael Bernal at siya mismo ang mamahala sa beloved son mo, Joji Alonso.
Sa tingin nga namin, walang local actor today na makakagawa ng role na ito. Although a young Dindo Fernando or Ronaldo Valdez could pull it off. And really, wala sa level ng isang young Dindo or Ronaldo ang anak mo, Joji Alonso. Kaya tigilan ang pagmamaldita nang wala sa lugar at katuwiran, or else baka from the get-go ay doomed na ang project na iyan.
At tiyak na tiyak na isusumpa ka ng true Bernal devotees kapag nagkataon. That’s all.
Lili, Actually!
by Arnel Ramos