BAGAMAN MALAYO PA ang Senatorial elections ay tila sinimulan na ng mga naniniwala at sumusuporta kay PAO Chief Atty. Persida Rueda – Acosta na maging household name ang pangalan niya at magkaroon ng recall sa masang Pilipino matapos maging matagumpay ang kanyang exposure sa Face to Face at Public Atorni ng TV5.
Ayon sa aking source, si Atty. Acosta raw ang isa sa favorite ng Big Boss at may-ari ng istasyon na si MVP (Manny V. Pangilinan) dahil daw simple si Atty, may mass appeal, marami nang accomplishments ito, maganda ang track record at sa kanyang unquestionable integrity.
Sa aking personal na pagdalaw sa tanggapan mismo ng Bar top-notcher na si Atty. Persida Acosta, sobra-sobra ang pasasalamat niya sa ipinakitang tiwala at suporta sa kanya ng TV5. “Masaya ako dahil marami akong natutulungan at nabibigyan ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan,” sabi nito.
Ito na kaya ang hudyat ng kanyang paghahanda bi-lang senadora later on? “Naku magulo ang pulitika. Parang hindi ako p’wede d’yan. Masaya na ako dito sa PAO at marami kaming kasong inaasikaso rito.” Mapagkumbabang pahayag ni Atty. Acosta.
Pero kung ito ang kanyang tadhana, mapipigilan kaya niya ito?
Hindi imposible na maraming malalaki at maimpluwensiyang tao ang puwedeng tumulong sa kanya dahil sila ay naniniwala sa kanya ng walang kapalit. Bukod sa talaga namang may katalinuhan si Atty. Acosta sa larangan ng batas lalo na kung mga i-naaping mahihirap ang pinag-uusapan.
Lingid sa kaalaman ng maraming tao, si Atty. Acosta ay galing sa isang mahirap na pamilya sa Bataan. Noong siya ay nasa elementary, nagtinda siya ng banana cue sa kanyang mga kaklase at doon niya kinukuha ang kanyang baon. Dahil sa kanyang sipag at determinasyon, hindi naging hadlang ang pagiging mahirap upang maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Consistent valedictorian siya mula elementarya at hayskul. Grumadweyt din siyang cum laude sa University of the East at nag-Law sa Ateneo De Manila. Naging top 4 siya sa 1989 Bar exam. Nagsimula siya sa mababang posisyon sa gobyerno at nagsikap ng mahabang panahon sa kanyang trabaho hanggang nahirang siya noong 2001 bilang Hepe ng Public Attorney’s Office. Talagang mapapaiyak ka sa kuwento ng buhay ni Atty. Acosta. Marami na ring unos na dumaan sa kanyang buhay tulad ng mga death threats, harassments at paninira ng mga inggit sa kanya ngunit hanggang sa ngayon ay isa pa rin siyang matibay na public servant.
May bumulong nga sa akin na isasapelikula ang kanyang buhay. At si Alice Dixson ang gaganap bilang Atty. Acosta. Well, kung Senado man ang kanyang kapalaran ay very qualified naman siyang maging senadora. Para naman madagdagan ang matatalino at may sustansya sa Senado, ano? At hindi puro papogi lamang!
Good luck Atty. Acosta. Mabuhay po kayo!
Thank You For Not Smoking!
By Sherween Eslava