Autopsy—Dapat Automatic Na?

KAPATID KO pa ‘yung napa-dyaryo last year na diumano ay nag-suicide sa Middle East. Ilang buwan din po naming hinintay rito ang bangkay niya. Habang kami’y naghihintay, ibinalita sa amin ng mga kasamahan niya roon na pinatay siya at ‘di nag-suicide. Kaya nang dumating ang bangkay rito ay agad naming pinaeksamen ito sa doktor. Pero sabi ng doktor, hindi na matitiyak ang dahilan ng kamatayan niya dahil inalis na lahat ang mga internal organs ng kapatid ko. Masyado naman yata ang ginagawa nila sa mga kababayan nating namamatay roon. – Donna ng Kalookan City

 

MATAGAL NANG ginagawa sa abroad ang ganyang bagay. Kayat ‘di tuloy malaman ng mga awtoridad dito ang tunay na dahilan ng pagkamatay. Napagtatakpan tuloy kung anuman ang krimen na ginawa sa ating mga kababayan.

Ipinapanukala natin na gumawa ng representasyon ang mga embahada o POLO natin sa abroad na panatilihin ang integrity ng bangkay habang ‘di pa ito na-aawtopsiya rito sa Pilipinas. At gawin na ring automatic ang autopsy kung ito’y hinihiling ng mga kamag-anak o ang kamataya’y medyo misteryoso.

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleUniversity of British Columbia Spotlights Doc Penpen
Next articleIsinanglang Bahay, Posibleng Mapunta sa Pinagsanglaan

No posts to display