ANG SEQUEL ng Avengers na Avengers: Age of Ultron ay isang dream come true sa mga manonood dahil ayon sa mga feedback ng mga tao sa movie ay napakagaling at napakaganda ng sequel na inilabas ng Marvel. Ang unang Marvel’s The Avengers ay ipinalabas noong 2012, kung saan ito ay nagtala ng record, ang third highest-grossing movie of all time at highest-grossing comic book movie full stop. Ngayong taon naman ay susubukan ni Director Joss Whedon na i-beat ang kanyang sariling record sa paglabas ng sequel ng the Avengers, ang The Avengers: Age of Ultron.
Sa sequel na The Avengers: Age of Ultron, ano ba ang mga bagay na ating mae-expect? Mahigitan kaya nito ang unang Marvel’s The Avengers? Ihanda ang ating mga sarili dahil sa mga bagay na ie-expect natin sa sequel na ito ay lalagpasan pa ang mga in-expect natin dahil sa maraming mangyayari sa movie na ito.
Expect the unexpected talaga dahil maraming mangyayari sa sequel na ito na hindi natin aasahan at hindi natin aakalain na mangyayari. Pero gayon pa man ay ang resulta ng movie sequel na ito ay talagang mapapa-wow tayo sa galing ng Marvel comics, lalo na si Director Joss Whedon at talagang sulit ang ating binayad, sulit ang dalawang oras at mahigit 30 minutes sa panonood ng The Avengers: Age of Ultron.
Sa movie na ito, sina Iron Man, Captain America, Hulk, Thor, Hawkeye, at Black Widow ay masasabak sa isang malaking hamon para talunin si Ultron, isang techonological terror hell-bent on human extinction. Sa kanilang adventure ay makikilala ng mga Avengers ang kakaiba at makapangyarihan din na sina Pietro at Wanda Maximoff. Si Pietro ay kilala din bilang si Quicksilver at si Wanda Maximoff naman ay kilala rin bilang Scarlet Witch, silang dalawa na kambal ang makikilala ng mga Avengers sa kanilang adventure para talunin si Ultron.
Talaga naman na andaming mangyayari sa sequel na ito ng The Avengers, at siguradong papatok din ang movie na ito katulad ng unang movie nito noong 2012 ang Marvel’s The Avengers. Bagong kalaban, bagong pagsubok, bagong hamon sa kani-kanilang buhay, bagong character, sina Pietro at Wanda, at marami pang mga pangyayari na hindi natin aasahan, at mga bagay na talagang magkakaugnay-ugnay. Magtagumpay kaya sina Iron Man, Thor, Captain America, Hulk, Hawkeye, at Black Widow sa kanilang laban kontra kay Ultron o magwawagi ang kasamaan? Kaya ating panoorin na ang The Avengers: Age of Ultron.
Ang movie na The Avengers: Age of Ultron ay showing na nationwide, pinalabas ito sa ating bansa noong April 22, 2015 at patuloy pa ring dinaragsa at sinusuportahan ng maraming tao dahil maraming positive feedbacks sa movie at talagang sulit ang ating panonood dahil sa galing ng director at ng Marvel Comics sa paggawa ng mga movies. Ayon sa Marvel Comics ay mero pang dalawang sequel movie ang The Avengers, ang The Avengers: Infinity War part 1 na kanilang ire-release sa May 2018 at ang Avengers: Infinity War part 2 na i-rerelease naman sa May 2019. Kaya tara na at manood ng The Avengers: Age of Ultron.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo