BLIND ITEM: DAHIL laman kami ng CCP the past few days dahil sa ongoing na Cinemalaya 2010 Pinoy film festival, nakakasagap kami ng chika, at ito’y from a direct eye witness.
Nagulat kami sa kuwento ng isang kaibigan sa indie world, dahil naloka raw siya sa isang Gawad Urian character actor awardee, dahil tila totoo ang chismax – na nagbalik na ito sa masama nitong bisyo, ang droga.
Kaya raw pala natanggal na ito sa isang teleserye nito sa ABS-CBN, eh dahil hindi na ito sumisipot sa taping. O kung dumating man daw ay bangag sa set kaya nahihirapan ang direktor at mga kasamahan sa teleserye.
“Naku, ate, muntik na siyang mahuli ng pulis last week dahil may nakapag-tip na sa kanya na drug user siya. Hayun at bihira na yata itong umuuwi sa bahay nila, dito na sa CCP naglalagi!
“May baon ‘yang mga damit at parang napa-praning na yata dahil sa drugs, dahil sa CR ng CCP naliligo! Nagwiwisik-wisik sa lababo at parang takot na takot na may iniiwasan!” Chika ng aming source.
Nakalulungkot naman ang balitang ito dahil ang kausap namin na mismo ang nakakita. Ang balita’y nalulong na ito sa drugs noon, nagbagong-buhay at bumalik sa showbiz, pero ngayo’y binabalikan ang bisyo.
Magaling pa man din siyang artista at sa ilang indie films na napanood namin ang galing-galing niya. Clue? ‘Soli man niya ang lahat, kahit pati ang krus na pasan niya, kung hindi siya magbabago eh, walang mangyayari, ‘noh!
TALKING ABOUT CINEMALAYA 2010, sina Dawn Zulueta, Tessie Tomas, at Meryll Soriano ang maglalaban for Best Actress category sa Awards Night ng festival sa Linggo, July 18, sa CCP Main Theatre.
Early favorites sina Dawn (for Sigwa ni Joel Lamangan) at Tessie (for Two Funerals by Gil Portes), pero kahit kami nang mapanood si Meryll Soriano for Donor (ni Mark Meily), eh mahusay pa rin si Meryll, na nagwagi bilang Cinemalaya’s first best actress, huh!
Ang Sigwa ang dream movie ni Direk Joel na star-studded, with Zsa Zsa Padilla, Tirso Cruz III, Gina Alajar, Marvin Agustin, Pauleen Luna, Lovi Poe, Megan Young, Allen Dizon and totoo naman, napakagaling ni Dawn dito bilang dating aktibista na umuwi galing Amerika upang hanapin ang anak.
Isa namang dark comedy ang Two Funerals, samantalang ang role naman ni Meryll sa Donor ay isang pirated CD seller na ibebenta mismo ang kidney, makapag-abroad lamang. Dark horse rin for best actress si Irma Adlawan for Vox Populi.
That is, kung hiwalay ang acting awards ng Directors’ Showcase with that of the regular full length films. Pero kung magkakasama, pasok rin ang acting ni Lovi Poe for Mayohan.
TINAWANAN LANG NI Maja Salvador ang chismax ng pagkaka-link niya sa isang tomboyitang film producer.
“Lalaki pa rin ang gusto ko!” say ng isa sa cast ng Cinco ng Star Cinema, kunsaan kasama niya si Rayver Cruz.
“‘Wag n’yo naman akong intrigahin diyan dahil tatawanan ko lang talaga kayo. Kilala ko po ang sarili ko and I still want guys!” tawa ni Maja.
Sabi-sabi, kaya raw hindi nawawalan ng film projects ngayon si Maja eh, dahil siya ang current apple of the eye ng isang lengua-estofadang producer, na na-link na rin romantically noon sa isang award-winning actress, at alam man ito ng buong showbiz, eh tikom ang bibig ng lahat.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro