GUMAWA ng kanta ang award-winning songwriter na si Vehnee Saturno bilang pagsaludo at pagpupugay sa mga frontliners ng bansa na na isinasakripisyo ang kanilang buhay para labanan ang COVID-19.
Ang kanta ay pinamagatang “Bayani Ng Mundo.”
Ayon sa songwriter, maliit na paraan ito para maipakita niya ang pagpupugay sa mga dakilang frontliners sa Pilipinas at sa buong mundo.
“Ito ay awit na aming handog sa mga FRONTLINERS na nagbuwis at nagbubuwis ng BUHAY para sa kanyang KAPWA sa panahong ito.
“Nasa puso namin ang inyong kabayanihan. Ito lang ang aming munting paraan upang kayo’y PARANGALAN at SALUDUHAN,” lahad pa niya.
Makakasama ni Vehnee para bigyan ng tinig ang komposisyon sina Kuh Ledesma, Dulce, Ivy Violan, Jamie Rivera, Bayang Barrios Villegas, Esang De Torres, Kris Lawrence, Vehnee A. Saturno at Ladine Roxas. Si Bobby Velasco namn ang nag-arrange ng kanta.
Here’s the lyrics of the song “ Bayani Ng Mundo”:
Bayani Ng Mundo
I
Hamon sa lahat ay kay bigat
Pa’no ba ito matatanggap
Sa `tin ba ay mayro’ng darating
Pang bukas
Takot ay laging dala-dala
Sa isipan ng bawat isa
May tanong sa puso kung
Mayro’n pang pag-asa
Refrain
Ngunit may tulad niyo
Na puso ay totoo
Handang ibuwis ang buhay
Para sa kapwa tao
Chorus
Ang tungkulin ay gagampanan
Nang walang pag-aalinlangan
Gagawin ang nararapat
Dahil sa sinumpaan
Ang pagmamahal na alay niyo
Ay bukal, wagas at totoo
Ang papuri’y aming alay
Sa mga katulad niyo
Pasasalamat ang handog namin
Sa bayani ng mundo
II
Di natin alam kung hanggang kailan
Ang pagsubok na magdaraan
Ngunit tayo ay di hihinto sa laban
Sama-sama sa hanggang wakas
Darating ang kay gandang bukas
Na kasama ang tamang sagot at lunas
Repeat Refrain and Chorus 2x
Nagkaroon ng world premiere ang Bayani Ng Mundo sa Youtube.