ISANG BAROMETER kung gaano kalakas ang isang pelikulang malapit nang ipalabas ay ang “passes”. ‘Pag ngayon pa lang ay marami nang nanghihingi ng passes sa amin, maganda nang pangitain ‘yon.
Eh, ngayon pa nga lang, dalawa na ang nag-text sa amin at nanghihingi ng passes ng The Mistress nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na sa September 12 pa ang showing at nagsu-shooting pa sila ni Direk Olive Lamasan, huh!
Kahit kami nga rin, trailer pa lang, sobrang umaapaw na ang curiousity sa amin kung bakit si Bea ay nahumaling sa isang old man played by Ronaldo Valdez. At paano niya lulutasin ang dalawang pag-ibig sa buhay niya samantalang iisa lang ang puso niya.
Interesting, isn’t it? Briones?
KUNG HINDI kami nagkakamali, isang linggong pahinga sa pagsusulat at pagtatrabaho si Ate Cristy Fermin, dahil ‘yun ang bilin ng doktor sa kanya, lalo na’t ‘pag tumatanda ang tao ay humihina rin ang resistensiya natin.
Sabi nga ni Ate Cristy sa amin, ganu’n daw pala. Sa kaaasikaso niya sa ibang tao, nakakalimutan na niya pati sarili niyang health. Kaya ang puso niya ngayon ay mino-monitor.
Ang una naming tsinek sa aming mentor-discoverer at nanay-nanayan ay ang kanyang lungs kung clear sa anumang problema. Clear naman daw. Ang puso ang pinapaingatan daw sa kanya.
Kaya ‘pag nagkita kami ni Ate Cristy, kataku-takot na “sermon” na naman ang aabutin namin sa kanya.
To be honest at walang halong kaechosan, upon learning na nagpahinga si Ate Cristy sa pagsusulat ay nag-alala na kami. Something must be wrong somewhere. Dahil tanggalin mo na ang lahat sa kanya, ‘wag lang ang pagsusulat.
At hindi kami sanay na siya ay napapayag ng doktor na ‘wag munang magtrabaho, huh! Medyo na-tense kami roon, kaya sabi namin sa kanya, itigil na niya ang kanyang pagyoyosi kung mahal niya ang kanyang mga anak.
‘Yan kasing yosi ang bitamina ni Ate Cristy sa buhay niya, pero siyempre, rason na lang ‘yon na gustong ipagtanggol ang bisyo, ‘di ba?
Bigla tuloy naming naalala ang kanyang famous line na, “If you smoke, you die. If you don’t smoke, you die. Better smoke and die.”
‘Eto naman ang lagi naming sinasabi sa kanya: “Kahit gaano ka kasamang ina, kahit gaano ako kasamang anak, at the end of the day, mag-ina pa rin tayo.”
Kaya anuman ang mangyari, alam kong nandiyan si Ate Cristy para sa akin. At makakaasa rin si Ate Cristy na nandiyan ako para sa kanya. Anytime.
NAGSASAGUTAN NGAYON sa Twitter sina DJ Mo Twister at Bubbles Paraiso. Para me idea kayo, ‘eto ang kanilang sagutan:
@bubblesparaiso: “blocking u now. all u want is attention. there i gave it to u. now bye.”
“@djmotwister eh di mo pala ako kilala, lagi mo ko tinitira. are you STUPID?!
“mag usap tayo ng masinsinan, harapan. tama si @glocdash9, minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla. para sayo ata yun @djmotwister
@djmotwister: “@bubblesparaiso I’m sorry, but who are you and why are you mad? I’m uninformed.”
@bubblesparaiso: “i have had enough of you and your lies @djmotwister. malicious insinuations much? ENOUGH ALREADY! come back here & face me!
“someones deleting all the negative comments about him on his instagram. too much to take i guess? truth hurts? tsk tsk tsk.”
@ djmotwister: “Block me here only to go on my Instagram to talk to me there. I’m dizzy.”
Samantala, ang daming natsitsipan sa awayan nila.
Well, sana, magtagumpay sila sa kung anuman ang purpose ng kani-lang sagutan.
Oh My G!
by Ogie Diaz