OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Kaya umpisahan na ang mga tsika.
Last week, nagbigay na ako ng pahap-yaw tungkol kay Paula Bianca nu’ng nag-guest sa akin sa programa ko sa DZRH.TV at nagulat ako na ang buong akala ko ay matagal na siya sa industry. Kasi napakagaling niyang sumagot at hindi siya ma-ere, napaka-professional. ‘Yun naman pala, graduate na ito ng MassCom at magna cum laude pa. Kaya medyo na-late na ang pagpasok sa entertainment industry, dahil pangako niya sa kanyang magulang na magtapos muna ng pag-aaral.
Ayun, biglang nakilala na nga itong si Paula na roon ko rin nalaman sa mismong program ko na ito pala ay pamangkin ni Sharon Cuneta. Nakita ko kasi ang kapatid ni Sharon sa tech booth at tinanong ko kung bakit nandoon. ‘Yun pala, kasama ni Paula at ng mommy niya, at ‘yun pala ang daddy niya.
Aliw ako sa kanya, kaya hindi niya ginamit ang Cuneta, gusto kasi niyang makilala sa kanyang sarili. Oo nga naman, kasi malaki ang potential ni Paula, napakaganda ng boses niya, nakaaaliw kausap at kung tumawa, sabi nga ni Ivy Batulajar, ang isa sa aking co-host, iba sa lahat ang halakhak niya at napakagaling sumagot sa mga tanong ko.
Anyway, ito nga palang kanyang self-tiltled album Paula Bianca, nakapaloob ang 5 kanta niya na halos lahat bongga, lalo na ang Napakasakit, Miss Na Miss Kita, Problemang Puso, Napapaluha at Parting Time na gawa halos lahat ng magaling na composer na si Vehnee Saturno.
Kaya nga sa katuwaan ko sa kanya, parang naalala ko ang ginawa ko kay Sharon noon na halos 7 years kong naging themesong sa aking program ang kanyang Mr. DJ, na sabi ko nga kay Paula, sana ‘wag niyang tularan ang kanyang auntie na hindi marunong magpasalamat. Kahit na kumare ko siya, kasi inaanak niya ang panganay kong anak na si Niño Ian na nasa Qatar na ngayon at nakikipagsapalaran, gusto ko rin siyang tulungan nang walang pag-iimbot. Kasi magaling talaga, kaya kinausap ko ang papa niya na lahat ng program ko sa radio, tutugtog ang record niya, tulad ng Napakasakit at Miss Na Miss Kita sa DZRH.TV, DWSS at ang program ko worldwide sa PINOY RADIO UK na dito ang broadcast sa Pilipinas via Skype, pero sa london ang studio at broadcast sa buong mundo kung may iPhone, iPod at computer ka. Kasi radio transistor is dead, ito ngayon ang in sa buong mundo saan ka man naroroon ‘pag gusto mong makinig, mapapakinggan mo ang gusto mo.
Ito nga pala ang mga event ni Paula kung saan n’yo siya masusubaybayan, here’s the complete mall tour schedule: Feb. 15, 5pm – SM Bicutan; Feb. 16, 5pm – Farmer’s Plaza; Feb. 17, 5pm – Cavite; Feb. 22, 5pm – Harbor Point, Subic; Mar. 2, 5pm – SM Bacoor; Mar. 9, 5pm – SM Dasmariñas.
Siya po ang Best New Female Artist of the Year sa 2012 PMPC Star Awards for Music. Awardee rin po siya ng 3rd OPM Tambayan Awards.
Sabi nga niya, “Maraming salamat sa nagtiwala sa akin, sa pamilya ko, sa mga kaibigan at kamag-anak, sa Vicor Music, sa record producer ko, Boss Vic del Rosario, Jr., Tony Ocampo, Sir Vincent del Rosario, to my composer, Vehnee Saturno, at sa lahat ng aking fans, maraming salamat!”
Bonggacious! For sure, magiging sikat ito nang bonggang-bongga. At kung may pagkakataon siyang maging artista, hindi nagdadalawang-isip na sumagot ito ng, “Go, Tita swarding!”
Kahit ang anak kong si Lady Camille ay sobra-sobra ang paghanga sa kanya, lalo na nu’ng kumunta siya ng live sa radio program ko, kakaiba talaga, walang halong kiyeme. Kaya go na, i-like n’yo na ang kanyang fanpage, i-type n’yo lang ang http://www.facebook.com/paulabiancamusic. Go, go, go na!
OMG! SHOCKING itong nakarating sa akin na ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ay may sakit ng kaparehas ng ikinamatay ni Dolphy, ang COPD emphysema.
Mahirap po itong sakit na ito, kaso ito rin po ang sakit ko na sabi nga ng mga doctor ko, ‘di bale nang magkasakit ng tuberculosis, ‘wag lang ito. Kasi for life na ang gamutan nito at ang hirap nito kasi hindi ka na puwedeng mapagod, magpuyat, magalit, at ma-stress.
Kung totoo man ito, kawawang Nora, kasi matagal na naman siyang pinapayuhan na tama na ang sigarilyo, alak at bisyo. Tulad ko, lagi na lang ako sa bahay at bihira na ang nightlife.
Hay, naku, kung totoo man ito, sana nga tumigil na siya ng mga bisyo niya, kung gusto pa niyang madugtungan ang buhay niya. Tulad ko po, 13 years na akong clean living.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding