ILANG BUWAN PA lang po ako rito sa bansang pinagtatrabahuhan ko. Nakagawian ko na pong ipadala ang pera sa pamilya ko sa pamamagitan ng kakilala ko na madalas bumiyahe pauwi sa Pilipinas. May nakapagsabi sa akin na mahihirapan akong patunayan na sumusunod ako sa mandatory remittance dahil hindi ko pinapadaan sa mga bangko ang pera ko. May kaparusahan po ba sa ginagawa kong ito? – Rodrigo ng San Fernando, Pampanga.
‘DI MO ISINASAGAWA ang tinatawag na “mandatory remittance”. Narito ang ilan sa maaaring epekto nito sa iyo.
Una, hindi ire-renew ang passport ng isang OFW na hindi sumusunod sa mandatory remittance o kaya’y ‘di siya bibigyan ng bagong passport.
Pangalawa, Hindi aaprubahan ng DOLE ang kontrata sa pagtatrabaho kung walang patunay na nasunod ang mandatory remittance.
Pangatlo, ang manggagawa na ‘di sumusunod dito ay maaaring tanggalin ang pangalan sa listahan ng mga OFW. At maaaring siya ay pabalikin sa Pilipinas kapag lumabag siyang muli.
Samantala, ang employer na ‘di nagbibigay ng pasilidad para maisagawa ng OFW ang mandatory remittance ay maaaring pagkaitan ng lisensiya o accreditation o kaya’y tatanggalin ang pangalan nito sa overseas employment program.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo