AYAW MAGING CONGRESSMAN: Mayor Herbert Bautista, magiging Cabinet Member ni Presidente Duterte?

Mayor Herbert Bautista

ANYARE?!

Akala ko, after ng termino ni Mayor Herbert Bautista bilang alkalde ng lungsod ng Quezon ay magle-level up na si Mayor Bistek para maging kongresita.

Sa huling araw ng filing ng COC last October 17, up to the last minute ay inaabang-abangan ang pag-file ni Mayor Bistek ng kanyang intensyon para maging kongresista para maipagpatuloy pa rin ang kanyang paglilingkod sa kanyang mga constituents.

Sa last day of filing, nganga ang mga supporters niya dahil inaakala nila ay hahabol si Mayor Herbert para magsumite ng kanyang COC.

Until the last minute, walang Mayor Herbert na humabol sa COMELEC.

Napurnada ang inaasam-asam ng mga naniniwala sa kanyang kakayahan.

Madami ang nagtaka kung bakit umatras si Mayor sa kanyang kandidatura?

Sa social media, napagalaman ng mga supporters niya ang dahil nang hindi pag-file ni Mayor Herbert.

QC Mayor Herbert Bautista

Sa FB post ni Ares Gutierrez na staff ni Mayor Herbert, may post ito na picture ng alkalde with a caption: “I want to be remembered as a public official who practically grew up serving the people of Quezon City. — Herbert Bautista.

Is it true na imbes siya na-nominate ng kanilang partido para tumakbong kongresista sa isa sa distrito ng Quezon City, iba ang inendorso ng kanyang political party.

But from a reliable source, may nakapagbulong sa amin na hindi naman interesado na si Mayor Bistek na tumakbo as Congressman for the May 2019 election dahil hinihintay lang nito ang announcement ni President Duterte para maging bahagi siya ng kanyang kabinete.

True?

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleI-BOYCOTT DAW: Pelikulang ‘First Love’ nina Aga Muhlach at Bea Alonzo, pinupulitika!
Next articleMAGSE-SERBISYO PUBLIKO: Edu Manzano, kumpirmado ang pagtakbo sa kongreso

No posts to display