AYAW MAGPA-DOBOL SA STUNTS: Erich Gonzales, muntik na mamatay sa shooting

Erich Gonzales in ‘We Will Not Die Tonight’

KALOKA pala ang mga eksena ni Erich Gonzales sa first action film niya na “We Will Not Die Tonight” ng magaling na si Direk Richard Somes.

 Real action ang pelikula ni Erich na siya din ay hindi ini-expect na masu-surpass niya ang mga eksena na siya mismo ang gumawa.

“Gusto ko ng action kaya ako mismo ang gumawa without double,” kuwento niya during the the “Send-Off” media conference hosted by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Chairperson Liza Dino sa anim na mga official entries na kalahok sa New York Asian Film Festival.

Deadly ang eksena ni Erich sa movie kung saan sa cable ng elevator na paglalambitinan niya ay nakuryente siya.

”Ang lakas. Hindi lang grounded kundi kuryente talaga. Nag-take 2 kami. Then ok na.

Nang i-review ni Direk ang eksena, gusto niya i-retake the following day. No choice, para maging maganda ang scenes, pumayag po ako.

Ang pelikula na si Erich ang nag-produce (as financier); bukod sa NYAFF na sinalihan ng film ni Erich ay isa din ito sa eight official entries para sa FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood sa August 15 to 21 sa mga sinehan nationwide.

Makakasama ni Erich sa pelikula nya sina Paolo Paraiso at Max Eigenmann.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSI JULIA BARRETTO ANG PAKAKASALAN NI JOSHUA GARCIA!
Next articleDAHIL SA TIMBANG: Max Eigenmann, pansamantalang nag-quit sa showbiz

No posts to display