KC CONCEPCION shed buckets of tears daw when she learned that her ex-boyfriend Piolo Pascual refused to share the stage with her.
In an event, KC was the host and Piolo was one of the performers.
Siyempre pa, both tried not to cross each other’s path. At one point pa nga raw, Piolo refused to get out of his dressing room habang nasa stage pa si KC. Ayaw raw nitong makasama sa iisang entablado si KC.
When Sharon Cuneta’s daughter learned about this, the young lady immediately went to the john and poured her heart out. Super cry raw ang dalaga na ikinabahala ng production staff. Nag-break down daw kasi nang husto ang anak ni Mega.
Pagkatapos nga raw ng kanyang hosting stint ay dali-daling umalis si KC ng venue na mugtung-mugto ang mga mata.
PAREHONG LOW-PROFILE sina Marcelito Pomoy at Jovit Baldivino pero tila may pressure ang kanilang unang pagsasama sa concert nilang Jovit vs. Marcelito: A Talent Showdown, December 10, SM Sky Dome.
Hanga si Marcelito sa singing style ni Jovit dahil kayang-kaya nitong mag-rock.
“Kasi kakaiba po ang music niya. ‘Yung mga kanta ng Journey. Kung unique ang boses ko, mas unique ang boses niya,” paliwanag ni Marcelito.
“Magkaiba ‘yung genre namin. Kaya niyang magboses babae, boses lalaki. Pang-rock po ako,” esplika naman ni Jovit.
Actually, isa lang naman ang gustong mangyari ng dalawang PGT champions, ang umangat.
Ano ang kinatatakutan nila habang nagpe-perform?
“Natatakot po akong magkamali,” pakli ni Marcelito.
Si Jovit naman, since mahiyain, natatakot namang magsalita in between singing.
“Hindi ko po alam kung paano mapapasaya at mapapalakpak ang audience. Parang naiilang ako kasi nasanay ako na mahiyain ako. Kung maging madaldal naman ako baka sabihin madaldal naman ito.”
SABI NI Mo, no one can tell him that he’s a liar.
Pero mukhang hindi ito totoo kasi nang lumabas na ang kanyang video, pinangalanan na niya ang babaeng pinatutungkulan niya sa kanyang tweets – si Rhian Ramos.
Sa interview namin sa kanya sa Paparazzi two Sundays ago, itinanggi ni Mo na si Rhian ang sinasabi niya sa kanyang tweet na hindi na niya poprotektahan. At si Rhian na lang daw ang tanungin tungkol sa abortioin issue.
Ngayong kumalat na ang video ni Mo at nagpatutsada siya kung sino ang nagpalaglag ng kanilang baby, we think that Mo was lying on his teeth when he said na hindi si Rhian ang kanyang hindi poprotektahan sa kanyang tweet.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas