UMULAN MAN O umaraw ay palaging may dalang payong ang isang karaniwang Pinoy. Kapag umuulan, kaliwa’t kanan ang nagbebenta ng payong sa daan. At kapag umaaraw naman, payong pa rin ang
kasangga ng mga moreno’t morena para sa matinding sikat ng araw. Ganyan din yata ang nararamdaman nitong taartits na si Jake Roxas. Ayaw masira ang kanyang kutis-artista, kaya naman nagdala ng OA sa laki na pa-yong. ‘Yung totoo, napipilitan ka lang bang magpayong, kuya?
Photo by Mark Atienza
By Rochelle Marie Sarsosa
Mga Bituing Tulad Natin
Pinoy Parazzi News Service