‘SANGKATERBANG DAGOK NA nga ang dumaraan sa buhay ng aktor na si Gardo Versoza. Pero nananatili, mas gusto pa rin nito at pini-pili ang mapag-isa.
Kahit na may girlfriend ngayon ang aktor, sa katauhan ng kanya ring manager na si Ivy Vicencio, matapos niyang kumalas sa matagal na nilang talent-manager relations ni Ed Instrella, patuloy pa ring sinasabi ng aktor na wala sa plano niya ang lumakad down the aisle para ihatid ang kanyang magiging bride.
May excuse si Gardo noong na-bubuhay pa ang kanyang pinakamamahal na inang si Mommy Baby (Polintan). Pero sa pagkawala nito, naging depressed din si Gardo at lalo lang umigting ang pagnanais na i-enjoy ang buhay niya at 42 na walang pananagutan as in may asawa sa tabi niya.
Isa rin daw sa dahilan eh, ‘yung hindi niya pagkahilig sa mga bata. Kahit pa noon pa lang papasikat siya sa Seiko Films eh, nagkaroon na siya ng anak out of wedlock at ngayon nga eh, binata na ang pa-nganay niya.
Isa rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit sa mga naging kaugnayan ni Gardo sa mga pumukaw ng puso niya na ang ilan eh, kasamahan niya rin sa trabaho eh, walang nag-prosper.
Sino nga bang babae ang hindi aasam na maging asawa nila ang kanilang boyfriend?
This should be a tough act daw para sa girlfriend ngayon ng actor, na manager na rin niya.
Sa text na nga lang namin nakukumusta ang aktor at dahil sa sadness nito sa pagkawala ng kanyang dakilang ina, binura na niya ang account niya sa Facebook dahil magpapaalala lang daw ito ng mga memories nila ng kanyang Mommy Baby.
Who keeps him company? It’s his dogs. Na ikinabahala rin niyang lubha nang dumaan ang Ondoy at malubog ang kanyang two-storey house in Pasig.
Mukhang ito lang daw ang mamahalin ng aktor sa pagtahak niya sa kanyang buhay bachelor!
AYON SA QUEEN of All Media na si Kris Aquino-this week na sila magmi-meeting, babasahin ang mga papeles at uupuan ang tungkol sa paanyaya sa kanya ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) sa pamamagitan ng Chief nitong si Antonio Guterres na ipinahatid naman kay Mr. Ronald Llamas, ang presidential political adviser.
Ayon naman sa Queen of All Media, early this year pa sila naki-pag-meeting ng kanyang kaibigan, confidante at consultant na si Kuya Boy Abunda regarding the matter. At dahil hindi pa sila nababalikan ng sagot, inisip ni Kris na hindi na ito mangyayari.
At nalaman niya ang balita sa meeting na ginanap ng UNCHR sa Geneva, Switzerland na sa buong Asya, ang ating bansa ang napili at siya nga ang tatayong Ambassador nating lahat, gaya ng mga ginawa na nina Angelina Jolie at Princess Diana.
Tuwang-tuwa siyempre ang Queen of All Media sa pagdating na maituturing niyang isang blessing na naman sa buhay niya.
At umariba na naman ang patuloy na paghanga nito kay Governor Vilma Santos-Recto na isa sa unang-unang nag-congratulate sa kanya at bumati sa nasabing appointment.
NATAPOS NA SI Rita Avila sa Blusang Itim sa GMA-7. Ngayon, papasok naman ang character niya sa 100 Days to Heaven sa ABS-CBN bilang kapatid ni Ana Manalastas-na ginagampanan nina Coney Reyes at Xyriel Manabat at anak naman ni Ms. Susan Roces.
Aliw nga si Rita kapag nakaka-eksena ang bagets na si Xyriel na napakatabil daw pala talaga. Tinanong ang real name niya. Ana Reyes. Kaya ang balik-tanong eh, kung kapatid daw ba siya talaga ni Tita Coney niya. ‘Eto pa, tinanong din ang edad niya. Sabi niya 76. Nanlaki ang mata ni bagets.
Samantala, sinimulan na rin ni Rita ang pagsusulat sa isang major broadsheet at sa isang magazine na Bow & Wow. At ang tinatalakay niya eh, ang kanyang mga pets. After her stint sa 100 Days, sasalang na siya sa isa pang soap sa Kapamilya.
May nagsasabing ito ‘yung mu-ling pagsasamahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.
The Pillar
by Pilar Mateo