Ayaw raw maging no. 2 lang
Dawn Jimenez, wala raw dahilan para pagselosan ni Maja Salvador

Maja-Salvador-Dawn-JimenezAGAD NAMING hiningan ng reaksyon si Dawn Jimenez sa patuloy na kumakalat na issues na nagli-link sa kanilang dalawa ni Gerald Anderson.

Consistent pa rin ang baguhang aktres na walang namamagitan sa kanila ng aktor at walang dahilan para pagselosan siya ni Maja Salvador. Nagbitaw rin ito ng salita na hindi niya gagawin kahit kailan na mang-agaw ng boyfriend ng iba dahil ayaw niyang maging no. 2 lang.

Nang kumustahin namin kung nakapag-uusap pa sila ng ex-boyfriend na si Albie Casiño, ikinuwento sa amin ni Dawn na nag-usap sila ng aktor kamakailan, pero hindi bilang magkaibigan dahil sinabihan pala siya nito na huwag na niya itong babanggitin sa anumang interviews niya.

Mukhang hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Albie, kung saan ang pinagmulan nito ay ang pagpapa-sexy na ginawa niya sa pelikulang On The Job at ang pagseselos nito kay Gerald na inamin naman ni Dawn na crush niya.

Sasamang tatakbo sa SunPiology Sunset Color Run sa Nov. 23 na gaganapin sa BGC The Fort, wala mang lovelife ay pokus naman si Dawn sa kanyang showbiz, kung saan hindi pa pala napapanood ng kanyang ama ang pelikulang OTJ na bukod sa nagpakita ng dibdib si Dawn ay mainit din ang love scenes nila ni Gerald.

SA PRESSCON ng Bekikang na ipalalabas sa October 23, bukas si Direk Wenn sa pagsasabi na bilib talaga siya sa talento ni Joey Paras at naniniwala siya na hinog na ito at tama lamang na i-launch na bilang isang bida sa pelikulang Bekikang na produced ng Viva Films.

Tumatak ang role sa seryeng Kahit Puso’y Masugatan at ngayon ay takaw-eksena rin sa Galema, Anak ni Zuma, sa trailer pa lang ng Bekikang ay kitang-kita na ang husay sa pagpapatawa ni Joey na dinagdagdagan pa ng galing ng mga tumatayong bestfriends nito sa istorya na sina Atak at Lassy.

Sa nasabing presscon, nabanggit ni Direk Wenn na no.1 pa rin sa puso niya ang Ang Tanging Ina 1 at pumapangalawa na sa kanya ang Bekikang. Sa tanong kung hindi raw kaya sumama ang loob ni Vice Ganda sa naging pahayag na ito ng box-office director dahil siya rin ang direktor ng Praybeyt Benjamin na nagluklok kay Vice para maging Phenomenal  Box-Office Star ito, ipinaliwanag naman ni Direk Wenn na matalinong tao ang komedyante, malawak ang pag-iisip nito at hindi ito magtatampo o sasama ang loob dahil sa nasabi niya.

Nabanggit din namin kay Direk Wenn na ang temang mala-Nanay Kong Tatay ng Bekikang ang nasabi amin noon ni Vice na gusto niyang i-remake sa mga pelikulang nagawa ng Comedy King na si Dolphy, ayon sa director, ‘di ito nabanggit ni Vice sa kanya.

Masaya namang ibinalita sa amin ni Direk Wenn na nasa kalahati na ang nasi-shoot nila sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy  at kahit mahirap ito ay maayos at masaya naman sa set. Hinuhulaan na panibago na naman itong hit ng Direk Wenn-Vice Ganda tandem, kung saan lahat ng pelikula nila ay tumabo talaga sa takilya.

Napakapalad ni Joey na ipinaglaban talaga siya ni Direk Wenn para matuloy ang Bekikang na maisa-pelikula na noong una ay serye sana sa ABS-CBN. Siniguro naman sa amin ng mahusay na direktor na naplantsa na kung anuman ang naging gusot sa pagitan nila ng ABS-CBN at nangako ang istasyon para ma-promote ang Bekikang.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleSi Buddy ang Padrino ni Gardiola
Next articleKahit nawawalan ng oras
Kris Bernal, nando’n pa rin daw ang relasyon nila ni Carl Guevarra

No posts to display