PATATAWANIN at aaliwin kayo ngayong pandemic ng pelikulang Ayuda Babes, ang pinakabagong handog ng Saranggola Media Productions.
Hatid ng pelikula ang mga kakaibang kwentong-barangay at kung anu-anong eksena ng madlang people habang naka-lockdown sa bahay at naghihintay ng ayuda.
Pagbibidahan ang Ayuda Babes ng Tiktok King na si Gardo Verzosa, Joey Paras, Iyah Mina, Juliana Parescova Segovia, comedian / vloggers na sina Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Berni Batin, at ang Mash Up Queen na si Ate Gay na kare-release lang ng digital single na May Himala Pala.
Kasama rin sa pelikula ang singer-youtuber na si Christi Fider (nagpasikat ng Teka, Teka, Teka) Zeus Collins, Bidaman Dan Delgado, with the special participation of Marlo Mortel, and Marc Logan.
Ayon sa director ng Ayuda Babes na si Joven Tan, bukod sa entertainment value, ginawa niya ang pelikula para ipakita ang katatagan ng mga Pinoy sa pagharap sa krisis.
“Isang taon na tayong may pandemya dahil sa COVID-19 pero nagagawa pa rin nating ngumiti. We take things seriously but we still manage to enjoy our lives, our family, and this is what the movie is all about,” ani Direk Joven.
Ipapalabas ang Ayuda Babes sa iWant TFC at sa Ktx.Ph simula March 5.