IMPRESSIVE ANG PRESENTATION ng Darna sa press launch nito na ginanap sa GMA- 7 nu’ng nakaraang Lunes.
In fairness kay Marian Rivera, maganda ang mga kilos nito sa stunts niya sa fight scenes sa goons kaya pinalapakpakan ito ng mga reporters na dumalo sa presscon na ‘yun.
Lalong na-excite si Marian dahil maganda ang feedback sa press launch na ‘yun lalo nang ipinakilala ang mga makakalaban nito.
Kung nagpakita ng kaseksihan si Marian, hindi rin nagpaawat ang mga tumayong villainess na sina Iwa Moto bilang Valentina, Maggie Wilson bilang Babaeng Linta, Francine Prieto bilang Babaeng Tuod at si Ehra Madrigal bilang Babaeng Lawin.
Pero mas nakakatakot ang karakter ni Nadine Samonte bilang Babaeng Impakta na may kakambal na halimaw. Bongga ang mga kontrabidang ipinakilala lalo na ang hari ng lahat na mga kontrabida na si Kobra na ginagampanan ni Paolo Contis.
Marami pang exciting na kuwento doon sa presscon na mapapanood n’yo sa Startalk sa darating na Sabado, at live na ipapakita ang fans day roon ni Marian.
Kahit hindi kasali si Dingdong Dantes sa bagong fantaseryeng ng GMA- 7, siya pa rin ang napag-usapan ng mga reporters dahil kabe-birthday lang ng aktor. Ikinuwento naman ni Marian na nag-celebrate sila ng birthday ni Dingong nu’ng Linggo. Siya ang nag-treat ng dinner kasama ang pamilya ni Dingdong. May ibinigay raw siyang regalo sa aktor pero ayaw naman niyang sabihin. Tanungin na lang daw si Dingdong kung ano iyon. Masaya raw sila sa kaarawan ng aktor at siyempre wish niya na maging successful si Dingdong sa bagong project na gagawin niya at basta masaya lang sila.
Sa August 12 naman ang kaarawan ni Marian, pero wala raw siyang balak na i-celebrate ito dahil kailangan daw niyang mag-taping sa Darna.
Hindi raw niya alam kung may balak si Dingdong pero siyempre surprise ‘yun sa kanya, kaya wala pa siyang ideya kung ano ‘yun. Basta magtatrabaho raw siya sa birthday niya.
AYAW PA RIN ni Yasmien Kurdi na magsalita tungkol sa kasong isinampa niya laban kay Baron Geisler pero tuloy raw ‘yun.
Ang unang nilapitan ni Yasmien nu’ng nagreklamo siya ay ang Women and Children Protection Desk ng DILG at hanggang ngayon ay iniimbestagahan pa rin daw sa pamumuno ni Chief Supt. Gilbert Cruz.
Nang makatsikahan namin si DILG Sec. Ronnie Puno nu’ng nakaraang linggo, sinabi naman niyang hindi ito pinababayaan ng Women and Children Protection Desk dahil artista man o hindi, mahirap man o mayaman, talagang tinututukan daw nila ito. Iyon naman daw ang pakay ng desk na ‘yun ng DILG na mabigyan ng proteksiyon ang mga kababaihan at mga kabataan sa pang-aabuso sa kanila.
Kaya kinukumpleto pa nila ang imbestigasyon bago sila magbigay ng statement sa kalagayan ngayon ng reklamong isinampa ni Yasmien laban kay Baron.
Bukod kay DILG Sec. Puno, inaasahan ding tutulong dito ang GMA-7 dahil talent naman nila si Yasmien.
Tumutulong nga ang GMA-7 sa hinaharap na kaso ni Richard Gutierrez laban kay Lorayne Pardo, siguro naman dapat rin silang tumulong kay Yasmien at kahit kay Katrina Halili pa, ‘di ba?
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis