0907-182xxxx – Good day, Mr. Tulfo! Tanong ko lang po ang tungkol sa pag-apply ko sa isang agency. Pumasa po ako sa interview at pinagpa-medical nila ako at pasado naman ang result ng medical ko. Pagkatapos, pinapirma na ako ng contract at pinapasok na ko sa company. Pagdating ko roon, binigyan ako ng referral para sa training ng forklift daw samantalang meron na akong training. Ang gusto po nila ay ga-ling sa kanila ang training. Ang mahal pa naman, mahigit P2,000 daw sabi nila, kaya ‘di muna daw me papasok habang walang training. Ang sa akin lang po, Sir, bakit pa ako pinag-medical at pinapirma ng contract kung ‘di rin pala ako makapag-start ng work? Sayang lang po ang ginastos ko. Dapat sinabi na muna nila bago nila ipa-medical at papirmahin ng contract.
0946-236xxxx – Sir may ititimbre lang po ako. Hindi po kasi mapatigil ng mga local official at ng mga pulis ang ginagawa po na paihi ng krudo at gasolina sa aming barangay – Brgy. Taguilid, Pamplona, Camarines Sur. Sana mapaimbestigahan ninyo ito. Salamat po!
0917-807xxxx – Good day, Idol! Meron pong isang FX with plate number LNG143 na bumibiyahe kahit coding. Sinubukan pong hulihin ng pulis dito sa may Aurora, Cubao kaya lang tinuturo iyong sticker ng QCPD sa harap ng plate number niya. Tinakbuhan po ang nasabing pulis. Sana po maturuan ng leksyon ang mga taong walang galang sa traffic rules, mas lalo sa mga enforcer.
0928-286xxxx – Magandang araw po Sir! Itatanong kong lang po sa inyo kung may karapatan po ba ang isang toll gate guard na magbaklas ng plaka sa truck ko dahil raw po truck ban at nanghingi pa po iyong tollgate guard sa akin ng pera. Wala po talaga akong maibigay na pera sa kanya dahil po sakto lang po ang pera na pang-toll ko. At dahil wala po akong maibigay na pera sa kanya, tumawag po siya sa PNCC at pagdating ng PNCC, saka po binaklas ang plaka ng truck ko ng toll gate guard dahil hindi ko po ibinigay sa kanila ang license ko.
0929-265xxxx – Sir Raffy, hingi lang po sana kami ng tulong para po makakuha ng barangay certificate sa aming lugar. Ayaw po kasi kaming bigyan ng Barangay Captain dito sa Real, Calamba, Laguna dahil daw po ‘di kami bo-
tante. Ganoon po ba talaga iyon? Gagamitin po kasi namin sa pag-claim ng insurance. Sana po matulungan ninyo kami.
0910-635xxxx – Magandang araw po, Sir! Sumbong ko lang po ang mga empleyado ng Amang Rodriguez Hospital dito sa Marikina City. Humihingi po ng P150 para sa ultrasound at P50 para naman sa X-ray. Kahit na may request na kami galing sa aming Congressman, pilit pa rin po kaming sinisingil. ‘Di ba po may pondo ang mga Congressman for medical assistance? Bakit ‘di po nila ino-honor? Ang masaklap pa, hindi sa cashier dumadadaan. Palihim na inaabot lang sa loob ng room ang bayad ng ultrasound at X-ray. Sana po makalampag ninyo ang ospital na ito sa kanilang pangingikil. Maraming salamat po!
ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o reklamo, mag-text sa 0917-7WANTED o magsadya sa aming Action Center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia St., Barangay South Triangle, Quezon City.
Shooting Range
Raffy Tulfo