BABASAGIN ANG NETWORK WAR: Vic Sotto at Coco Martin, natuloy din sa pangalawang pagkakataon

Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin

ANG HIRAP ng sitwasyon ni Coco Martin lalo pa’t sa MMFF 2018 entry niya na Jack Em Poy: The Puliscredibles at kasama ang dalawang GMA Kapuso Stars na sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza, isyung malaki ang pagpo-promote ng isang ABS-CBN star ng pelikula niya sa kabilang bakod.

Sa Sunday Pinasaya in last Sunday’s show, naging mainit na topic ang hindi pagbanggit ng pangalan ni Coco ng co-star niya na si Maine sa naturang show.

Kaya nga kumalat ang balita online na banned diumano ang aktor sa Kapuso Network reason kung bakit pati pangalan niya ay pinagbabawalang banggitin.

Sa Instagram account ni Lolit Solis, may paliwanag ang aktor sa isyu ng diumano’y banning sa kanya. “Okey lang po yon at naiintindihan ko po, sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan.”

Pero dahil mapagkumbaba, may paliwanag si Coco sa insidente.

Paliwanag niya kay Ate Lolit sa isyu: “Nay (Lolit), okey lang po yon at naiintindihan ko po, sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan lalo na po si Sir Joey Abacan, napakabait po nila sakin kaya wala pong problema sakin yon at kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila,” pagkakasulat na reaksyon ni Coco sa isyu.

Maine Mendoza and Coco Martin

Para sa aktor, isang making pagkakataon na makasama ang dalawang mlalaking artista ng Kapuso Network.

“Masaya na ako na natupad ko ang pangarap ko na makatrabaho po si Bossing at ganun din po si Maine.”

Sa pagkakaalam ko, pangalawang pagkakataon ito na nag-attempt ang aktor na makagawa ng pelikula with Vic na noong una ay naunsyami dahil diumano sa hindi pagkakaintindihan ng isang detalye noon.

Sa pelikula, para mawala ang “network war mentality”, karamihan ng mga ka-eksena ni Bossing Vic ay taga-FPJ’s Ang Probinsyano habang ang mga kasama naman ni Coco sa kanyang mga eksena ay taga-Eat Bulaga.

Makakasama din nina Bossing Vic, Maine at Coco sa MMFF 2018 entry ng joint production ng APT Entertainment ni Tony, M-Zet Productions ni Bossing Vic, at CCM Films ni Coco ay sina Lito Lapid, Mark Lapid, Ryza Cenon, PJ Edrenal at Arjo Atayde.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSAM MILBY AND YAM CONCEPCION: Are Your Kisses Worth the Risk?
Next articleKAHIT TAKOT SA MULTO: Anne Curtis, matapang na ginawa ang pelikulang ‘Aurora’

No posts to display