Children are a familiar sight in many an FPJ film of whatever genre.
Sa pagsasatelebisyon ng kanyang higante at klasikong “Ang Panday” mula sa may-akda nitong si Carlo J. Caparas, bata pa rin ang pangunahing concern ng mga taong nasa likod ng pinagsanib na produksiyong ito ng Viva Communications at ng TV5.
Originally with a rather late night time slot, mapanonood na ang “Ang Panday” simula Lunes ng alas-siyete ng gabi, mas maaga para mahagip nito ang captive audience which is basically the kids. Sa Martes at Huwebes ang mga susunod na araw ng pagsasahimpapawid nito as the non-airing weeknights will give way sa inaabangan ding PBA games.
Sa special advance screening ng “Ang Panday” sa SM Aura sa BGC last Wednesday, tiyak na naaliw at namangha si Baby Zion sa patikim na mga tagpo ng fantaseryeng pinagbibidahan ng kanyang amang si Richard Gutierrez. Sabi nga ng aktor, “First time kasi akong mapanonood ni Zion sa TV.”
Sa mas pinaagang time slot ng “Ang Panday”, for sure, pagkatapos niyang mapanood ang ama ay may ngiti si Baby Zion sa kanyang mahimbing na pagtulog.
SA MGA masugid na sumusubaybay sa “Wattpad Presents”, may “kapilyuhan” ang hatid nitong episode—being the fourth book made into film this February—na pinamagatang My Cassanova Husband.
Sa direksiyon ni Monti Parungao who also helms “Bortn To Be a Star”, tampok sa kuwentong ito ang in demand Viva artist na si Meg Imperial.
Kung virgin-virginan pero maharot ang peg ni Meg (ang peg ni Meg daw, o!) sa “Bakit Manipis ang Ulap?”, ano kaya ang kanyang atake sa role niya with a womanizing partner?
Abangan bukas ang WP pagkatapos ng “Tasya Fantasya” sa TV5.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III