KAHIT SAANG angulo mo man tingnan, hindi magandang influence na ang isang baguhan at future star sa showbiz na hina-hangaang ng mga kabataan ay makita na naninigarilyo sa murang edad nila.
Naikuwento sa amin ng isang kaibigan na nakita niya na naninigarilyo sa parking area ng isang kilalang drugstore sa may Morato-Timog Circle na naninigarilyo ang idol niyang sina Akihiro Blanco at si Sophie (na ang last name skiped our mind) na pamangkin ni Kris Aquino.
Both aspiring stars are mga contender sa Artista Academy ng TV5.
Dismayado ang nagkuwento sa amin. Crush pa naman niya si Sophie na ang tindig ay pang beauty queen.
“Eh, ‘di ang baho ng mouth niya dahil she smokes. Same thing with Akihiro na fresh looking pa naman and he smells good pero kadiri. Amoy sigarilyo na rin pala siya,” sabi ng binatilyo sa amin.
Dapat pala, kasama ang good moral character class ng mga estudyante ng AA, ang tamang asal para sa mga kabataan na tulad nila.
Come to think of this, ke bata-bata ni Sophie, she smokes in public at hindi man lang itinago sa publiko.
BIRTHDAY TODAY, Friday ni Laguna Governor ER Ejercito.
Dahil sa paniniwala niya na kapag may number “nine” sa edad ng tao, hindi maganda.
Kaya today that he turns 49 years old, walang selebrasyon ni Gov. ER.
“Maybe next year na lang,” kuwento niya sa amin.
Masaya na ibinalita sa amin ni Gov. ER na ang pelikula niyang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay nabigyan ng pihikang Manunuri ng Pelikulang Pilipino ng apat na awards.
Hindi man napansin ang acting niya sa pelikula ng mga Manunuri, masaya siya dahil isang tulad ng grupong Manunuri ang nagbigay ng parangal sa kanyang pelikula.
Kahit abala sa kanyang gawain bilang ama ng lalawigan ng Laguna, pangako niya sa mga taga-showbiz na gagawa siya at least isang pelikula minsan isang taon.
“Kaila-ngan nating makatulong sa mga tao. Nabibigyan sila ng trabaho ngayon pa na mahirap ang buhay. Basta may mga producers na naniniwala sa atin na makagawa ng quality film, masaya ako,” pagmamalaki niya.
Comparing his former director Tikoy Aquiluz’s style & creativity who directed Manila Kingpin (majority of the film) at kay Direk Mark Meily who directed his multi-million film El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story, “Mas magaling si Mark. Mas bata, mas global ang approach,” sabi niya.
‘Pag nagkataon, ito na nga marahil ang pinakamahabang pelikula na mapapanood ng publiko sa darating na MMFF sa December 25th dahil it’s 2 and a half hours na para sa isang locally produced film worth more than 100 million (and counting) impressive ang obra based sa trailer pa lang na napanood namin.
HAPPY KAMI sa double nomination na nakuha ni Arjo Atayde para sa 26th Star Awards for Television come November 18 na gagawin sa Lee Irwin Theater sa Ateneo.
For his remarkable performance in MMK’s Bangka episode, para sa isang baguhan na more than six months pa lang sa showbiz umaarte, it’s something para ma-nominate at makalaban sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Noni Buencamino, Philip Salvador, JM de Guzman at Robin Padilla as Best Single Performance by an Actor.
Nominated din si Arjo as Best New Male TV Personality.
Reyted K
By RK VillaCorta