MAS LALONG naging selyado ang pinagmulan ng mag-BFF kuno na sina Kris Aquino at Vice Ganda mula sa iisang hulmahan.
Drama ni Kris noon, handa niyang iwan ang showbiz para sa kapakanan ng kanyang mga anak who longed for her attention. Pero saan ka, nang umuwi buhat sa kanyang European tour, Kris went live sa kanyang daily program, even bragging about the French guy she met at inilusyon yata niyang magiging dyowa to spite James Yap.
Aber, how can Kris on earth afford to give up her job, samantalang milyones ang kinikita niya from all her sources of income?
Vice Ganda is not anywhere far from Kris. Ang emote ng balahurang baklang TV host-comedian, gusto rin daw niyang mag-lie low sa pagpasok ng 2014. Kesyo nabe-burn out na raw siya, to which nag-react tuloy ang kanyang manager na si Deo Endrinal.
Kambyo ng kabayo (kambyo ng kabayo raw, o!), sa movies lang naman daw siya mag-i-slow down. One movie a year suits him fine, but retaining his two regular shows na nadagdagan pa ng isang teleserye.
Pray tell me, don’t birds of the same feather flock together? On one side, ‘eto si Kris na nagbantang magbababu na sa showbiz only to resurface. Sa kabilang side, here’s Vice Ganda talking about unloading his workload.
Okey na kami kay Kris, after all, her inconsistent statements have made her lose her sense of credibility. Pero kay Vice Ganda na nagtakda ng one-movie-a-year policy ek-ek, who does he think he is… si Ate Vi?!
Hellloooo!!!!
BONUS NA lang maituturing para sa tulad naming manonood ang maka-relate sa isang teleserye lalo’t ang tema ay tungkol sa relasyon ng dalawang bakla.
FYI, noon pa uso ang ganitong uri ng pag-iibigan Nagkataon lang na mas liberal at accepting na ngayon ang lipunan, we see gay couples around in their sweetest moments unmindful of what the heterosexual public has to say.
Hindi na namin kailangan pang tukuyin ang pinapaksa naming bekiserye sa TV, nag-iisa lang naman kasi ito na nangahas magsahimpapawid ng isang kuwentong umiikot sa romansa ng dalawang bading na makailang ulit na nating napanood sa higanteng telon.
Without pandering, totoo namang pinag-uusapan ang panooring ‘yon, hindi lang mula sa komunidad na kinabibilangan ng mga bakla. Even the female audience is hooked on it, ayon na rin sa nakakalap naming reaksiyon.
Hindi rin sa pagmamayabang, what is being hyped about the bekiserye na nagte-trending sa social media is an inarguable fact.
This is the sad part though, as sad as the gay characters in the bekiserye who cannot enjoy as much romantic freedom dahil isa nga sa kanila is married to a woman. Ang nakalulungkot, oo nga’t nakalulula ang audience response, oo nga’t pinagpipiyestahan ito sa social media—but the nagging question is: bakit ang inaasahang ratings nito are way below expectations?
Adik na kung adik, but we are consumed by this bekiserye, yes, admittedly (aminin ba?), we also got enmeshed in a bromance with a married gay ourselves!
Dahilan na rin ng pagiging adik namin sa palabas na ‘yon ay ang kakaibang directorial treatment nito, halatang kinakarir ng direktor maging ang mga transitions nito from one scene to another which makes it an even more engaging and intriguing teleserye.
We refuse to think that all creative efforts are going to waste just because of its not-so-good leverage in the ratings game. Kung ang pagbabatayan kasi ay ang tema nito which is kabaklaan—that does not translate to favourable rating figures—iisa lang ang puwede naming isipin.
Hindi pa rin talaga ganap na tanggap sa lipunan ang mga ganitong realidad ng buhay mula sa punto de vista ng mga moralista, much less ng mga ipokrito’t ipokrita na feeling righteous!
But who cares?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III