NAMAYAGPAG ANG mga bagets actor at actress sa nakaraang awards night ng Cinema One Originals 2015 na ginanap noong Linggo, November 15, sa Dolphy Theater.
Ang teen actress na si Therese Malvar ang nanalong Best Actress para sa Hamog, tinalo nito ang co-nominees niyang mas matatanda sa kanya, namely Kaye Abad (The Comeback), Bangs Garcia (Baka Siguro Yata), at ang dalawang beteranang aktres na sina Bing Pimentel (Bukod Kang Pinagpala) at Erlinda Villalobos (Manang Biring).
Ikalawang best actress award na ito ni Therese (dating Teri Malvar). Una na niyang tinalo ang Superstar na si Nora Aunor sa Cine Filipino awards noong 2013, kung saan nagwagi si Therese for Huling Chacha Ni Anita, at kinabog nga niya si La Aunor sa Ang Kuwento Ni Mabuti (na for us, Therese deserves that award).
Hindi napigilan ni Therese ang mapaiyak sa kanyang acceptance speech sa Cinema One Originals. Napanood namin ang Hamog ni Direk Ralston Jover (which also won the jury prize award) and we can say too, that Therese deserves it, too.
Samantala, isa namang child actor in the person of Bor Lentejas, para pa rin sa Hamog, ang nakasungkit ng Best Supporting Actor trophy sa nasabing indie filmfest ng ABS-CBN cable channel.
“Kinabog” din ng kid actor na si Bor ang dalawang veteran actors na sina Ricky Davao (Baka Siguro Yata) at Epy Quizon (Mga Rebeldeng May Kaso), na mga nominado rin.
For Best Actor, wagi si Dino Pastrano for Baka Siguro Yata (romantic comedy). Si Dino pala ay anak ng veteran TV director na si Al Quinn, at nagdidirek na rin ng TV commercials. First big break niya ito as lead actor, and yes, win agad as best actor for a first film.
Best Supporting Actress naman si Chai Fonacier for Miss Bulalacao. Ang touching animation na Manang Biring naman ang nagwaging best film, at naiyak rin sa tuwa ang direktor nitong si Carl Joseph Papa nang tanggapin nito ang tropeo onstage.
“Nagbakasakali lang ako na mapili ang ‘Manang Biring’ sa Cinema One Originals, dahil gusto kong matupad ang pangarap namin na makagawa ng full-length animated film,” sabi ni Direk Carl.
Isang animator si Direk Carl at aniya, sana ay maging inspirasyon ito sa ibang Pinoy animators like him sa paggawa ng animation films sa bansa.
Binigyang-parangal din sa awards night sina Rox Lee, Joey Agbayani, Mike at Johnny Alcazaren, Nick Deocampo, at Raymond Red, ang mga tinaguriang haligi ng Philippine alternative cinema.
Celebrities, nagpasaya sa 50th anniversary ng Lydia’s Lechon
KAMAKAILAN AY nagpasaya ang ilang artista sa selebrasyon ng 50th anniversary ng Lydia’s Lechon sa main branch nito sa Baclaran, kung saan dumagsa ang super-daming guests. Umapir sa celebration ng pioneer local roast pig business ng bansa sina Jay Manalo, Richard Quan, Regine Angeles, at Mr. International Neil Perez.
Tuwang-tuwa ang mga taong nakita in persona sina Jay, Richard, at Regine, na usually daw ay sa TV at pelikula lang nila napapanood.
Very happy rin siyempre ang owner ng Lydia’s Lechon, no less than si Mrs. Lydia de Roca herself, na nagsimula lang with a simple retail stall sa labas ng Baclaran Church noong 1965, hanggang sa lumago na ito sa sampung branches at 16 kiosks sa buong Metro Manila.
“Parehong litsonero ang mga magulang ko,” sabi ni Madam Lydia. “Lumaki ako sa ganitong business at nagdesisyon ako na simulan ang sarili kong business at i-apply anumang natutunan ko sa aking mga magulang.”
Katuwa ang roots at history ng 50-year-old Lydia’s Lechon. Isang trivia — alam niyo bang ginamit ng kapital na pera na worth P500 ay “pakimkim” galing sa binyag ng pangalawa nitong anak na si Ricky?
Kahit mahigpit ang kumpetisyon, hindi sumuko si Madam Lydia. “I worked hard to have my name known,” aniya.
Hanggang sa ang mga hotel and restaurant managers ay kinuha na ang kanyang catering services at dito na lumago ang kanyang food business.
“Naniniwala akong kapag ang isang tao ay nagbigay sa iyo ng chance, always say ‘Yes’, and pagbutihin mo talaga,” sabi ni Madam Lydia.
Sa kanyang perseverance at hard work, ngayon ay half century old na ang Lydia’s Lechon with Manila Hotel and Sulo Hotel as among its top clients.
Bongga rin ang history ng friendship nina Madam Lydia at ang owner mismo ng SM Malls na si Henry Sy. Frequent customer noon si Mr. Sy sa nasabing Baclaran branch, at dito na nagbigay-daan ang said food chain na magbukas sa eleven (11) outlets sa SM foodcourts.
Very inspiring nga ang success story ng owner ng Lydia’s Lechon na naging part ng ng buhay ng ordinaryong Pinoy na basically ay mahilig sa lechon.
“We want to thank God, our customers and our employees for making us a household name for 50 years and counting,” say ni Madam Lydia.
For more information about Lydia’s Lechon, check out or email [email protected].
Mellow Thoughts
by Mell Navarro