MATAPOS ANG humiigit-kumulang na dalawang buwan ng bakasyon, ready ka na ba talaga sa pasukan? ‘Yung iba siguro may sepanx pa o separation anxiety sa pa-chill-chill lang noong bakasyon. Pero ang iba, sa iba nase-sepanx! Nariyan ‘yung mga estudyante na sepanx sa kanilang mga high school at college barkada. Sepanx na sila sa mga kabaliwan at trip na ginagawa nila noong pasukan kaya excited na rin silang pumasok para muling magka-bonding-bonding. Ang iba naman sepanx na sa mga lessons na pinag-aaralan, sa assignments na ginagawa.
Aba, boring man o corny na pakinggan, may nakami-miss talaga ng ganitong trip. Sila ‘yung mga bagets na nanghihinayang sa oras na sinasayang sa paghiga-higa lang noong bakasyon. Kaya naman sabik na sabik na rin silang magbalik-eskuwela. Nariyan din ang mga bagets na sepanx na sa kanilang mga paboritong guro. Nami-miss na kasi nila ang mga kuwelang istilo ng pagtuturo ng kanilang guro o kaya ang mala-parot na sermon ng teachers nila.
Napapalitan man sila, nakaka-miss pa rin ang mga turo nila kaya isa rin sila sa dahilan ng pagka-sepanx sa back to school drama ng mga bagets. Anong uri kaya ng sepanx ang mayroon ka? Sepanx sa bakasyon? Sepanx sa barkada? Sepanx sa school work? O sepanx sa teachers? O none of the above?
Kung none of the above o wala sa nabanggit ang uri ng sepanx ang mayroon ka. Mukhang alam ko na kung saan ka may separation anxiety ngayong pasukan. At ito ang… baon! Baon na araw-araw ring nawala noong nagsimula ang bakasyon. Siyempre walang pasok kaya ititigil nila mommy and daddy ang pagbibigay ng allowance. Kaya ngayong pasukan, paniguradong sabik na sabik na kayong makuha ang inyong mga allowance!
Payong kaibigan lang, spend wisely. Habang maaga pa lang, habang estudyante ka pa lang, matutong pahalagahan ang pera.
Tandaan, mahirap kumita ng pera pagtanda. Kaya habang patuloy ang pagbibigay ng alllowance nina mommy at daddy nang walang kahirap-hirap, pahalagahan ito. Mag-ipon at magtipid.
Paano?Pamilyar tayo sa formula na: allowance – expenses = savings
Sa gumagawa ng ganitong practice, mukhang dapat n’yo nang baguhin ito. Dahil iba na ang formula na ginagamit ngayon! At ito ay ang: allowance – savings = expenses.
Sinasabi lang nito na mula sa allowane mo, ikaw ay magtabi na ng iyong ipon. Ayon sa pag-aaral, 20% nang dapat ikinakaltas sa iyong baon ay mapupunta sa savings. Kung ano man ang natira, iyon dapat ang pagkasyahin sa iyong expenses. Dahil kung uunahin lagi ang pagkaltas ng expenses sa iyong allowance, wala na ngang matitira sa baon mo. Magkakautang ka pa, hindi ka pa matututong magtipid.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo