BUKOD SA larong basketball, hindi lang ito ang inaabangan kapag UAAP Season. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang nakapananabik na cheerdance competition ng walong unibersidad na kabilang sa UAAP. Kapag CDC, asahan mo nang buhay na buhay ang mga social media sites gaya ng Facebook at lalong lalo na ang Twitter.
Mahigit 25,000 ang gate attendance ng mga nanood ng UAAP CDC ngayong taon, October 3. Record-breaking nga ito. Kung tutuusin hindi lang basta basta 25,000 ang audience dahil mas wild pa ang mga bagets na nanonood sa bahay lang. Kanya-kanyang paraan nga ng pagsuporta sa kanilang mga schools ang ganap.
Kaya naman, nitong Sabado, UAAP CDC Season na naman! Pinabilib ng walong unibersidad ang madla sa kanilang killer dance moves, nagtataasang mga tosses at nakabibilib na pyramid.
Sinimulan ito ng UP Pep Squad. Oo, UP agad, agad! Utak at puso ang tema ng kanilang performance. Solid pa rin ang kanilang mga tosses! Kaya nga sila rin ang pinarangalan bilang Best Toss. At nagmarka ang kanilang Puso lift sa ending ng kanilang performance.
Sinundan naman ito ng DLSU Animo Squad. Rak en roll to the world nga ang kanilang performance. Na-maintain naman nila ang isinet na hataw performance ng UP.
Matapos ang DLSU ay ang Blue Bubble Batalion naman. Spy ang kanilang tema, pero tila medyo nagkanya-kanya ang mga cheerdancers ng grupo at maraming hulog-hulog ang naganap. Sana nga makabawi na sila sa mga susunod pang taon ng UAAP CDC.
Ang defending champion naman ang sumunod sa ADMU. New Era naman ang kanilang theme ngayong season. Kay ganda ng costume at choice of music. Maganda ang skills at executions ngunit may mga dancers din na nalaglag,m pero bawi naman sa level of difficulty ng sayaw.
Ang UE na may temang Circus at Adamson na may temang fashion ang sumunod sa first half ng mga performances. Makikita ang kanilang malaking improvement. Mula sa pagiging underdog, unti-unti na nga silang umaangat.
Inabangan din siyempre ang FEU, horns up, ‘ika nga ng mga Tamaraws. Maganda rin ang kanilang performance na may tema ring circus. Maganda rin ang executions, ngunit marami rin ang laglag.
At siyempre, huli man sa line up, hindi pa rdin nagpahuli ang UST Salinggawi Dance Troupe na may temang Africa. Ang na-miss ng lahat na Salinggawi ay nagbalik talaga. Sila ang may pinakamalinis na routine, walang hulog at sabay sabay na dance moves. UST is back na nga talaga.
Umaapaw sa galing ang naipamalas ng bawat kalahok, pero tatlo lang ang mapararangalan. At sila ay ang mga sumusunod, UP Pep squad, 2nd runner-up; UST Salinggawi Dance Troupe, 1st runner-up; at nanatiling defending champion, 3-peat, ang NU Pep Squad.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo