ISA MARAHIL sa mga artista natin sa kasalukuyan na iba ang dating ay itong si Anne Curtis.
She’s perfect as “kikay” image niya na may konting sweetness or vice versa.
Not all showbiz personalities has the the character like Anne na ang sweetness on screen at ka-kikakayan ay with class.
Kaya nga hindi naging mahirap para sa DreamScape Entertainment para piliin siyang maging bagong Dyesebel sa pinakabagong pantaserye ng Kapamilya Network simula mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol.
Dumaan pala sa isang pag-aaral ang pagpili kay Anne. Kahit sabihin na siya ang pinakasikat na artistang babae sa kasalukuyan, still, marami ang nagdududa if she’s the perfect girl to play Mars Ravelo’s classic mermaid character sa bagong panahon.
Marami ang mga pinagpilian noon. Naririyan si Kim who’s so sweet and thin. Si KC Concepcion, kabilang sa mga choices pero tila hindi siya ang akmang artista na babagay para maging Dyesebel. Maging si Jessy Mendiola (even before the rumoured pagiging pasaway sa taping ng Maria Mercedes) hindi rin nakalusot.
But after some deliberations and with feedbacks from advertisers, ang perfect choice na lumusot ay walang iba kundi si Anne.
Not only she’s hot and can bring in lots of sponsors and advertisers sa show, she has this thing na siya lang ang meron na ang kakikayan on camera ay may kaakibat na sweetness.
Tanungin mo man ang sambayanan, the will pick-up Anne as the perfect choice to be the new Dyesebel.
Simula mamayang gabi, lalangoy at sisisid tayo sa ilalim ng dagat, sa mundo ni Dyesebel with matching good-looking hunks like Gerald Anderson and Sam Milby who plays a sireno.
Sabi nga ni Direk Don Cuaresma, “Anne is sweet but sensual. Siya ang perfect choice,” kuwento ni Direk.
With Anne’s kakikayan on the boobtube with her hosting job for It’s Showtime, tila mahirap yatang makatrabaho ang sweet and sexy vamp dahil she looks like maarte. Pero kinontra ito kaagad ni Direk Don. “She’s easy to work with. Hindi siya maarte. ‘Yun lang siguro ang peg niya na nakikita natin sa noontime show na ang kakikayan niya is translated as kaartehan. Pero she’s very cooperative. Wala akong problema sa kanya.”
Reyted K
By RK VillaCorta