BAGO NAGKAROON ng isang John Lloyd Cruz na siyang naging pamantayan ng maraming baguhang artista na “maging” at maabot ang estado ang aktor, hindi rin natin dapat kalimutan na bago naging inactive sa kanyang showbiz career, mayroon tayong isang Aga Muhlach na noong panahon niya.
Kapag tinatanong ang mga artistang lalaki kung sino ang idol nila, palaging binabanggit ang pangalan ni “Morning” (palayaw ng aktor).
Sa mga babae, ask them kung sino ang gusto nilang makapareha omakatrabaho; kung hindi si Richard Gomez, asahan mo na si Aga pa rin ang gusto nila maging leading man.
Sa muling pagiging aktibo ni Aga sa showbiz (after 5-6 years) via the film “Seven Sundays” para sa Star Cinema, isa sa mga exccited na makatrabaho ang aktor ay si Dingdong Dantes.
Pagmamalaki ni Dong: “Alam mo, si Aga isa sa mga idolo ko ‘yan growing up. Siyempre before I entered showbiz, siyempre isa sa mga bagay that I was looking forward to ay makatrabaho siya and finally ito na ‘yung pagkakataon ko. And luckily, kasama ko ulit si Enrique (Gil) who is my real life relative and si Cristine Reyes naman I was with her with Starstruck.”
Isang family drama ang pelikula nila ni Aga. “Matagal na akong hindi nakakapanood ng family-oriented Filipino film and magandang mabigyang buhay ‘yung pananaw ng iba’t ibang kapatid, karakter, ‘yung mga members ng family. Kasi dito mo makikita ‘yung dynamics ng isang traditional Filipino family. Nandoon ‘yung hardships, challenges and at the same time ‘yung mga happy moments,” pagkukuwento ng aktor.
Bukod sa pelikula ng aktor sa Star Cinema ay gagawa rin siya ng movie with Anne Curtis para sa taong ito na nagsimula na ang pre-production nila via the look-test for the film.
Reyted K
By RK Villacorta