MAY BAGONG achievement ang kind-hearted na CEO at president ng Beautederm Corporation na si Rhea Anicoche Tan. Siya ay pararangalan ng Laguna Excellence Awards 2020 bilang Outstanding Businesswoman of the Year.
Gaganapin ang awarding ceremony ng Laguna Excellence Awards sa April 2020.
Kinilala si Rhea ng Laguna Excellence Committee dahil sa matagumpay niyang pamamalakad sa Beautederm Corporation at sa ipinapakita niyang magandang halimbawa bilang lider ng kompanya.
Para kay Rhea, hindi siya magtatagumpay kung hindi dahil sa tulong ng mga taong nagmamalasakit sa kanya at nagpapakita ng suporta at loyalty.
“This Outstanding Businesswoman Of The Year for the year 2020 is bigger than me as I cannot accomplish the wonderful things that Beautederm is doing without the unwavering support of my loyal staff, my wonderful brand ambassadors, my loving family, our hardworking sellers and of course, God’s unending Grace,” pahayag ng Beautederm owner.
Dagdag pa ni Rhea, ang kanyang matatanggap na parangal ay magsisilbi ring motivation to work hard at mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho.
“This recognition further motivates me to do better and work harder to be the best version of myself. Thank you very, very much,” sambit pa niya.
Samantala, last year (2019) ay na-accomplish na ni Rhea ang target niya na magkaroon ng 100 stores nationwide. Mas lalo ding dumami ang kanyang celebrity ambassadors na binubuo ng mga Kapamilya at Kapuso artists.
Kabilang sa mga endorsers ng Beautederm ay sina Marian Rivera, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Ryle Santiago, Jane Oineza, Ria Atayde, Ken Chan, Rita Daniela, Sanya Lopez, Pauline Mendoza, Camille Prats, Jestoni Alarcon at marami pang iba.
Dumagdag naman sa mga bago niyang celebrity ambassadors ang Drama King na si Christopher de Leon at ang The Voice Kids champion na si Darren Espanto.
Samantala, nitong February 16 ay nagbukas ang bagong branch ng Beautederm sa SM Mega Center Cabanatuan.